Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
Dreaming of becoming a parent
Trust pill
Np Trust pill user Kelan po pwde mag take ng pills? 1st day po or sa 5th day naguguluhan po kc ako at dipa rin ako nakabili ng pills kc kakarating lng ngaun ng mens ko. Sana po may maakpansin. Salamat😊
Alpha thalassemia
Hi mga mommies tanong lang po sino may same case ng baby nila na may thalassemia kamusta naman po sila?
Happy 2months old baby Jamel Luka!✨❤️
Wanna flex my baby boy
Pills
Np 1month 25days Mga momsh tanong ko lang po tapos na po yung isang banig ng pills ko bakit po dip ako dinadatnan ang lumalabas lang po is yung dugo simula nung manganak ako. Patak patak lang po pwde na po ba ulit mag take ng panibagong pills ulit kaht dipa dinadatnan? Salamat po sa sasagot?
Scars
1 month postpartum belly✨
Bless❤️✨
Lakas pa tama ng anesthesia jan?
CS
1week na po tahi ko. Ok na daw pong basain sabi ng Ob ko
March 24 2020 @6:22pm
March 23 sobrang sama na ng pakiramdam ko nahihilo ako na sumasakit ang tyan ko na para akong lalagnatin hinahayaan ko lang kasi akala ko mawawala din agad pero hindi kaya pinakiramdan ko hangang gabi pati Bp ko tumaas narin hndi na sya bumababa worried pa kame dahil sa lockdown wala halos masakyan kaya nung kinaumagahan ganun parin nararamdaman ko kaya inayos na namin lahat ng gamit para ready na kame pumunta ng hospital dahil hinihintay narin ako ng Ob ko dun para icheck lahat if ok lang. pag dating namin dun inadmit ako agad dahil super taas ng bp ko umabot sa 170/125 kaya dinala ako agad sa OR para sa emergency Cs natakot ako dahil first time mom lang din ako at alam ko talaga na normal delivery sana kaso hndi tlaga pwde kaya CS ang bagsak nung time na pinasok nila ako sa OR kinakabahan ako na hndi ko maexplain pero naeexcite narin ako dahil makikita ko na ang anak ko. Habang inooperahan nila ako iniisip ko yung anak ko na sana ok sya at ayun @ 6:22pm nailabas na nila ang baby ko super worth it yung pain na halos di ako makapaniwala na kinaya ko yung hirap na yun para sa baby ko ganito pala feelings pag mommy kana sobrang saya❤️? - meet my baby boy Jamel Luka Ocoma???
NICU
Mga momsh tanong ko lang po ilan po inabot ng bill niyo nung naiwan si baby sa nicu for 7days? Si baby ko po kasi pinaiwan kasi po ng aantibiotic kasi nakakain ng poop pero okay naman po sya at malakas sana po may makapansin sa tanong ko thanks!
Highblood @39weeks
Mga momsh tanong lang ako sana may makapansin. Kahapon nalabasan ako ng parang sipon Na color white na may pagka brown tapos sumasakit sakit nadin puson ko. Check up kopo sana kanina sa ob ko pero sympre sarado nnman po kc dahil sa lockdown kaya naglakad nalang po kame ng hubby ko para pumunta ng lying in kasi malapit lng naman po saamin at dun ko nadin sana balak manganak dahil po hirap ng sitwasyon ngayon. Pero nung chineck nila ako close cervix pa po ako masikip pa daw masiado at 180/120 bp ko kaya natakot sila di po nila ako tinanggap. Nag aalala lang po ako kc as of now 150/100 bp hirap lang po mag isip isip