Lab Li profile icon
VàngVàng

Lab Li, Philippines

Contributor

Giới thiệu Lab Li

excited to see bunso

Bài đăng(8)
Trả lời(11)
Bài viết(0)

Finally

Jayden Spring a.k.a Little SIOPAO 3.7 Kilos via Normal Delivery DOB: May 20, 2020, 8:21PM Edd transV: May 31 Edd 2nd utz: May 22 Share ko lang experience ko mommies. Yesterday morning, humilab yung tyan ko, pinakiramdaman ko agad siya. Nasundan yung hilab after 30 minutes, then 1hour, then 15 minutes. Walang maayos na interval kaya sabi ko false labor lang. Buong maghapon wala naman ako naexperience na sobrang pain. Hihilab siya paminsan pero sobrang mild lang. Di na ko naglakad, naligo nalang ako sa ulan, yes mommies. Init na init kasi ako, tapos basa basa lang dito sa page. At 6:30pm humilab na naman siya and that time medyo mahaba, siguro mga 30seconds pero bearable siya, so di ko pinansin. Nasusundan yung ganung hilab every 7minutes. Sabi ko sa mister ko punta kami sa lying in para makapagpa'IE ako kasi medyo naiinis na ko dahil di nagtutuloy yung hilab ng tyan ko, niloloko kako ako ni baby. Sabi din kasi ng ate kong pharmacist e baka naglalabor na ko, di ko lang maramdaman ng todo dahil sa buscopan na iniinom ko 3x a day. 7:20pm nakarating kami dito sa lying in. Pagka'IE sakin 8cm na ako ? di na ako nakauwi. Wala pa rin unbearable pain. Nagtanong yung midwife kung pwedeng kumain muna sila kasi sobrang wala pa silang pahinga buong araw sa dami ng check ups. Ako pa nagsabi ng "take your time" haha. Nakaupo lang ako, di nila ako pinaglakad lakad kasi baka biglang malaglag daw si baby ? 8:05PM natapos sila kumain then pinapasok na ko sa delivery room. 9cm na, pumutok na rin panubigan ko pero wala pa rin pain. Sinabihan ako ng midwife na bigyan ko siya ng tatlong magandang ire pag humilab, siguro mga 5 minutes pa lumipas bago siya maghilab ? twice namin hinintay. Basta paghilab umiire ako, yung walang ingay tapos mahaba. Ayun, tatlong ire lumabas na si baby. Sobrang thankful ako kay God dahil di ako nahirapan, di ko naexperience yung napakatagal na paglalabor ng masakit. And sa mga mommies na malapit na din manganak, kaya niyo yan. Sundin niyo lang sinasabi ng OB or midwife para di ma'prolong yung pain. Salamat din sa page na'to na araw araw ko talaga sinusubaybayan ??

Đọc thêm
Finally
 profile icon
Viết phản hồi