cariza yumang profile icon
Kim cươngKim cương

cariza yumang, Philippines

Contributor

Giới thiệu cariza yumang

Queen of 2 curious kids

Bài đăng(24)
Trả lời(2007)
Bài viết(0)

UPDATE!!!!

EDD via LMP Oct. 2, 2020 EDD via UTZ (pelvic)Oct. 6, 2020 EDD via BPS Oct. 19,2020 DOB Sept. 25, 2020 MEET our Little princess Ileana Ysabella 1.5 kilos via NSD Sept. 25 IE lang ako ni OB dahil 2days ago close cevix pa ako kaya pag check nya 1cm na ko pero makapal pa din cervix ko kaya advice nya ko na maginsert ng everprime ng 5-6 pcs pero pag uwi ko naginsert ako ng 4pcs lang kasi ayaw na pumasok. Sinabayan ko ng rootbeer w/ egg na 2pcs nilagok ko agad then nahiga ako habang hinihintay ung everprime na matunaw. Around 3pm nararamdaman ko na humihilab na pero tolerable pa. Nagstart na ko magoras. 3-5 mins ang interval ng tolerable naman na pain. Nung gumagabi na 2-3mins nalang ang interval pero sinasabi ko s isip ko na baka bukas pa ako manganak. Nakalakad pa ko, nakakatawa, nakakakilos pa ko sa bahay. Mga 9 pm sinabihan ko na si lip na tumawag sa clinic kung ano advice pag 2-3 mins interval ng pain. Sabi lang, I-ie lang daw pero kung mababa pa din uuwi nalang ako. So di ako pumayag kasi mahirap un pauwi uwi pa. Kada IE pa naman 50 pesos kaya tiniis ko nalang. Naghalf bath na ako kasi mahaba pa yung gabi. Pero may sumama ng dugo pag ihi ko. Dun na nagstart yung pinakamasakit na narananasan ko buong buhay ko. May dalawa na akong anak. Lahat ng labor pain na hindi ko naranasan sa dalawang nauna ay naranasan ko sa napakaliit kong bunso. Halos umiyak na ko sa sobrang sakit na naranasan ko. Dugo ang lumalabas sakin kada hilab hindi tubig. Kahit nung nasa DR na ako hirap na hirap ako. Buong puwet ko lumuwa na yata nahiwaan pa ko at natahian ng 5-6 stitches. Awa ng Diyos @ 11.10 pm baby's out na. Sabo ng midwife tatahian daw ako. Nakiusap pa ako na kung pwede wag na. Hindi daw pwede kaya another pain ulit tiniis ko bukod pa yubg halukaw ube na ginawa sa puson ko habang nililinis. It was all worth it. Sa mga expected moms, kakayanin nyo talaga lahat ng sakit para sa mga LO natin. Kaya nyo po yan... Trust God for the plans He had for us.

Đọc thêm
UPDATE!!!!
 profile icon
Viết phản hồi

Share ko lang😌

Photo and content not mine... Dedicated to : Relationships Out There PAANO MO MAILALARAWAN ANG LITRATO? Seryoso akong nakatitig sa litrato , na may qustionableng isip kong bakit nakatali ang lalaki at kong bakit may saksak ang babae sa kanyang dibdib gamit ang kutsilyo sa sarili niyang mga kamay. At dahil sa curious ako tinanong ko kay mama kong anong problema sa litrato , di ko na inisip kong anong magiging reaksyon ni mama sa mga oras na yon. " Ma , anong masasabi mo dito ? Bat nakatali yung lalaki sa kadena , tas yung babae sinaksak yung sarili ? ' HAHHAHHHAHAHA mas lalo akong napaisip dahil sa malakas na tawa ni mama " Bakit po kayo tumatawa ma? nakakunot kong kilay habang tinatanong si mama ' Kasi anak naranasan ko na yan dati, isa yang litrato sa isang magka- relasyon na hindi naiintindihan ang isat-isa, karanasan sa magkarelasyon na pilit na mas iniintindi ang sariling intensyon " Talaga ma? ' Oo, alam mo ba kong bakit nakatali ang lalaki sa kadenang mahirap tanggalin pag walang susi ? " Bakit po ma ? ' Ang mga lalaki kasi ayaw nilang kinukulong , ayaw nila na palagi silang pinapakialaman lalo na kung alam nilang walang mali sa ginagawa nila " hmmm pero bakit nga po siya nakatali diyan sa litrato? ' Kasi may isang babae siyang minamahal na pilit siyang kinukulong sa isang lugar, ang ibig kong sabihin gustong maramdaman palagi ng babae na pinapriority siya ng lalaki, na para bang gusto ng babae na sana siya nalang yung mundo ng lalaki, yung dapat walang ibang pagkaka- abalahan yung lalaki kundi siya lang dapat , yung babae lang dapat " Kaya po ba ganto yung litrato ? Pero pano kong hindi naman siya hinihigpitan ng babae ? Paano kong pinaparamdam lang nung babae kong gaano niya ka mahal yung lalaki ? ' Yun na nga nak, kaya siya nakatali kasi akala niya hinihigpitan siya ng babae pero hindi parin tama yun nak, pag nagmahal ka dapat may tinitira ka sa sarili mo, kaya nga diyan sa litrato sinaksak ng babae yung sarili niya kasi. Natakot ako kasi di pala talaga madaling magkaroon ng relasyon " Kasi bakit po? " Alam mo ba kong anong gustong ipahiwatig ng babae sa litrato ? Dilat na dilat ang dalawang mata ko dahil sa mga sinasabi ni mama. " Ang sabi ng babae sa litrato gusto niya ng atensyon at oras kasi kulang siya nun, kaya gusto niyang makita at maranasan yun sa lalaking mahal niya , pero sabi ng lalaki " Ayokona di sa lahat ng oras ikaw lang lahat " ' Gets kona ma, kaya ito yung litrato kasi sinasaktan nila ang isa't isa ganun ? " Hindi, dahil yung babae lang ang gumagawa ng dahilan kong bakit siya nasasaktan. ' aaaw kawawa naman po pala yung babae " Oo, kawawa talaga kasi iba sila mag mahal, binibigay nila lahat ng dahil lang sa gusto nilang oras at atensyon, ' Hindi ba siya mahal ng lalaki kaya di agad maibigay yung oras at atensyon na yon ? " MAHAL siya ng lalaki, kaso kahit gaano pa siya ka mahal neto, maiinis at magagalit talaga yan at dahil sobrang soft hearted ng babae, nasasaktan siya agad, umiiyak siya agad na para bang nalulunod siya sa pagmamahal. ' Masakit po sa part ng babae ma pero siyempre may karapatan din naman yung lalaki na gawin yung mga bagay na kong alam niya ay tama at walang problema. " Kasi ang mga babae pagdating sa pag-ibig mas ginagamit nila ang puso kaysa sa utak kaya ang bilis-bilis nilang nasasaktan pero ang mga lalaki mas ginagamit nila ang utak kaysa sa puso pag nagmamahal kaya minsan manhid sila sa pakiramdam. Sa Relationship pala talaga dapat marunong kayong intindihin ang isat-isa, dapat balanse yung pag gamit niyo sa love , puso at utak ang gamitin. Natatakot tuloy ako sa mga nalalaman ko ang hirap magkarelasyon pero teka bat mo binabasa to ?? May jowa kaba ? Words by : ateng CTTO #theasianparentph #sharingiscaring

Đọc thêm
Share ko lang😌
 profile icon
Viết phản hồi