Hello, mumshies! Need help, please. First time mom po. Mag-3 month old na si baby ko this week. Normal po ba na until now, pagising gising pa rin siya almost every hour sa gabi? Tapos nakakatulog siya if nakapatong sa katawan ko, chest or tummy. Pero kapag nilapag ko na sa bed (co-sleeping po kami), mabilis siyang magising. May mga sinalihan na akong group sa FB like baby sleep training tips pero parang hindi ko naman kayang gawin yung mga tips nila na cry it out method, etc. Baka po may maiadvise kayo? Asking sa Filipino moms community, puro foreigner kasi yung nasa group na nasalihan ko sa baka normal sa kanila yung ganung sleep training. Please help po kasi babalik na ako sa work, and iniisip ko kung until kelan siya ganito and if laging puyat talaga ako papasok. 🥺😅 Thank you in advance. #firsttimemom #needadvicepls
Đọc thêmHi, Mommies. Would just like to ask lang po if may same case dito. My baby is turning 2 months sa Aug. 17. EBF po kami. Sa nababasa ko sa isang breastfeeding group sa FB, there is no overfeeding kapag BF daw. Pero last July, nung check-up ni baby, kinonsult ko sa pedia niya yung paglulungad, possible daw overfed si baby. Okay naman na ako na naglulungad si baby kasi normal naman daw. Ang concern ko lang is kahapon kasi, sobrang dami ng lumabas na gatas sa kanya. Nagpanic ako. Nakahiga kasi siya sa crib then palapit pa lang ako kasi sabi ko ang behave ni baby, hindi siya fussy, biglang parang fountain yung lumabas na gatas. Buti nandun din yung asawa ko, nabuhat at naitayo niya si baby agad kaya hindi napasukan sa ilong. Pero sobrang dami talaga nung lumabas to the point na yung lumabas na gatas, lumagpas pa sa crib while nakahiga siya 🥺 Nilabhan na namin yung foam niya, yung cover ng foam and yung latag pa. Inoobserve din namin si baby kasi hindi siya umiyak nung nangyari yun, wala ding fever, dumedede pa din and color gatas lang naman yung lumabas. Iniisip ko tuloy baka talagang nasosobrahan na kaya siya? Feeding on demand kasi kami. Next week pa yung schedule niya na balik sa pedia. Baka lang po may same case dito, nakakapag-alala lang kasi, parang ayoko na tuloy na maiwan siya na nakahiga sa crib na walang nakabantay. 🥺 Thank you po. #1stimemom #pleasehelp #firstbaby #theasianparentph
Đọc thêm