1 month and 20 days na si LO ko and mag iisang buwan na din yung nasa mukha niya 😔 napatingin ko na sa center yan and binigyan kami ng calamine yung para sa rashes kaso tinigil ko kasi parang lalo lang nalala. And ngayon puro breastmilk ko nalang ung pinapahid ko. Kahit sa paligo niya may halo ng gatas ko. And diko na din sinasabunan yung mukha niya. Mag 1 week na puro bm ko pinapahid ko. Kaso di pa din nawawala 😔 nasstress nako. Tas nagkaroon na din siya ng parang balakubak sa ulo😔di pa nawawala yung nasa mukha niya, yung ulo naman niya 😔Nagmumuta din pala siya yung right eye lang niya mag 1 month na din may ointment din binigay pero tinigil ko din kasi sa eyebrow siya nilalagay and napupunasan ng kamay ni LO kaya di naderetso sa eye niya. Pinapatakan ko nalang din ng bm ko kaso until now nagmumuta pa din siya. Ok naman siya malakas dumede. Naawa lang ako lalo na yung sa mukha niya parang ang kati kati 😔 ano kaya yan neonatal rashes ba yun or eczema na? Cetaphil na yung sabon na gamit ko sknya. Any advise po kung normal pa din ba yan 😔 #pleasehelp #firstbaby #firsttimemom #advicepls
Đọc thêmHi mga moms. Mababa na ba yung tummy ko? ☺️ First i.e ko 1cm palang. Tas may irregular contractions. Puro white discharge. At madalas na paninigas ng tyan ko. Patuloy pa din nagmomonitor ng sugar 😔 Ano ba effects if may Gestational Diabetes? Possible ba ma cs? Last utz ko nakacephalic naman si baby at normal naman lahat. Sana makaraos na 🤞😅 #TeamOctober #firsttimemom #pleasehelp #advicepls
Đọc thêmHi mga mommies 👋 May same case din ba sakin na monthly check up sa center at sa public hospital? Nung june kasi dinala ko sa hospital dahil sa uti. Sobrang sakit kasi ng tagiliran ko. Pero ok naman na ko ngayon. Dahil don monthly may online consultation na ko sa public hospital na yun. And last Aug 5 schedule ko ng online cons. Tinawagan ako kinamusta ganon and tinanong kung ano ano daw tinatake ko na gamot sabi ko prenatal vit, folic at calcium as per ob na kausap ko kahit di na daw ako uminom ng folic acid kasi 27weeks nman na daw yung tyan ko mag 7 months na. Kahit yung 2 nalang daw vit at calcium. Pero nung last check up ko sa center nung July 21 sabi naman tuloy tuloy ko lang daw pag inom nung 3 vit, folic at calcium. Next check up ko sa center Aug 18 pa. Di ko alam kung sino susundin ko 😔 pero ginagawa ko ngayon iniinom ko pa din yung 3 gamot na yun. Hangga't dumating yung check up date ko sa center. Ok lang ba yun mga mommies? Ganon ba yun pag 7 months na stop na sa folic acid? #advicepls #pleasehelp #1stimemom #firstbaby
Đọc thêmHi mga mommies, I am 26 weeks and 1 day preggy. Sobrang hirap pumili ng names sa dami kong gusto. First baby ko to 🤍 pasuggest naman mga mommies ng baby girl name. My partner's name is Harry and I am Ladyle. Hingi naman ng ideas na medyo malapit sa names namin hehehe #1stimemom #pleasehelp #firstbaby
Đọc thêm20 weeks preggy nagtatae after uminom ng Alaska Yogurt drink blueberry flavored
Hi mga mommie ask ko lang po if delikado ba yung pagtatae? Last sat night uminom ako ng alaska yogurt drink and after 20mins humilab tyan ko sobrng sakit at pinagpapawisan na ko ng malamig then nung umutot ako yun na nakaramdam na ko ng pagtae. Yung tae ko po basa tas nung madaling araw ng sunday sumakit ulit tyan ko natae nanaman ako basa pa din tas sirit po na watery ganon po siya. Until now nagtatae pa din po ako basa pa din. Uminom nako ng erceflora, pocari sweat,banana at more water na din. June 23 pa kasi balik ko sa health center. 1-2 beses ako natatae sa isang araw. Any advice po? Natatakot kasi ako baka mapano si baby sa tuwing nasakit tyan ko 😔 #pleasehelp #1stimemom #firstbaby #advicepls
Đọc thêmHi mga ka momshies 🤍 ask ko lang kung what time kayo naliligo everyday? Ako kasi hapon na mga 5pm minsan sa gabi naman 7pm ganon. I am 11 weeks and 6 days preggy ♥️sa umaga kasi nakakatamad maligo sa tanghali naman natutulog ako kaya hapon na ko nakakaligo. Minsan lang maligo sa umaga kapag may lakad. Safe ba yung oras ng pagligo ko? Baka lang kasi di siya ok. First time mom ♥️ sa April 28 pa kasi next check up ko. #firstbaby #pleasehelp #advicepls #1stimemom
Đọc thêm