zee profile icon
Kim cươngKim cương

zee, Philippines

Contributor

Giới thiệu zee

Mom to be

Bài đăng(22)
Trả lời(73)
Bài viết(0)
Thành viên VIP
 profile icon
Viết phản hồi
 profile icon
Viết phản hồi

God’s gift

Last 2 years I was diagnosed with PCOS (Polycystic Ovary Syndrome) Sa mga na-research ko yung ibang may PCOS hindi na raw nagkakaanak lalo na sa case kong dumadami and lumalaki ang cyst. Nagself medicate ako para maiwasan dumami at lumaki ang mga cyst ko. Then last year nalaman kong buntis ako, I was so excited and happy kasi di ko na inexpect na mabubuntis pa ako dahil sa PCOS pero after 7 weeks ng pagbubuntis ko nakunan ako, parang gumuho yung mundo ko nung malaman kong wala na syang heartbeat pero nag trust lang ako kay God after non mas lumakas pa ang faith ko sakanya kase alam kong meron syang better plans para sa akin.. 2 weeks after my miscarriage nalaman ko ulit na buntis ako, sobra na akong nagingat at nagpaalaga sa OB ko dahil napakaselan kong magbuntis konting kilos dinudugo ako at sumasakit ang tyan ko so walang choice kung hindi magbedrest uminom ng vitamins at pampakapit then March 16 @ 35 weeks nagleak ang panubigan ko kaya kinailangan kong i-CS nung araw din na yun dahil wala na daw tubig si baby sa loob sobrang salamat kay Lord at malaki ang baby ko kaya hindi na nya need ma-incubator kahit kulang sya sa buwan pero dahil sa mga medications na iniinom ko nung nagbuntis ako (anti biotics for UTI), unusual discharge and yung pag leak ng bag of water ko nagkaron sya ng pneumonia, gustuhin man namin sya mailabas ng hospital kasabay ko kinailangan namin sya iwan for 5 days para sa antibiotics ayoko rin i-risk sya na ilabas at sa ibang hospital magpatuloy ng gamot dahil sa virus. Ngayong araw nailabas na namin sya, healthy and very happy na baby! Sobrang salamat Lord sa lahat worth it po lahat ng pagod at sakit lalo na nung makita ko si baby.

Đọc thêm
 profile icon
Viết phản hồi