Krizia Seperidad profile icon
Kim cươngKim cương

Krizia Seperidad, Philippines

Contributor

Giới thiệu Krizia Seperidad

a CS mom

Bài đăng(118)
Trả lời(531)
Bài viết(0)

my thoughts at this time. just wanna share with you guys :)))

dati sabi ko sa sarili ko, takot akong mabuntis at ayokong mabuntis kasi marami pa kong gustong gawin. gusto ko pang makapag travel around the world. gusto ko pang gumala hangga't anong oras ko gusto at makipag bonding sa mga friends ko. but then, we can never really tell what will gonna happen. i got pregnant at the age of 20. 2nd yr. college ako niyan. takot na takot ako especially sa mama ko. kasi alam kong madidisappoint siya. because she had a dream for me. a dream that is supposed to be her dream. a dream that i promised to fulfill for her. nung time na sinabi ko sa kanya na buntis ako, i'm expecting that she will get mad. slap me or anything. i've waited for her reply but all i got is, "excited ako". masaya ako. pero alam kong may side na malungkot siya kasi di ako nakapagtapos. pero sinabi ko na mag aaral pa rin ako pag okay na lahat. but unexpectedly, my mother died because of highblood. kaya pala hindi na siya nagalit. kaya pala instead na saktan niya ko, naging masaya na lang siya para sakin. sabi pa niya sakin siya mag aalaga sa baby ko kasi gustong gusto niyang magkaanak ulit sa boyfriend niya kaso di na pwede. sobra akong nalungkot nung nawala si mama kasi bestfriend ko yon eh. pero alam ko ngayon, kung nasan man siya, masaya na din siya para samin. sana lang nandito siya para makita niya kung gano kacute yung apo niya. mahilig kasi sa baby si mama. so yon, habang nagbubuntis ako, ang daming thoughts.. negative thoughts like kaya ko ba? ready na ba ko maging nanay? mabibigay ko ba yung mga needs niya? pano kung hindi? pano kung mag fail ako? like that. ako kasi wala akong alam sa bahay. pati pagluluto hindi ako marunong so yung asawa ko lang yung nagluluto. nakakahiya pero ganon talaga 😅 marunong naman ako pero mga fried lang kaya ko, yung mga basics like hotdog & itlog 😆 but i'm willing to learn. syempre nanay na ko eh. gusto kong mapagsilbihan naman sila. mag 1month na rin since nung nanganak ako at medyo nakakapag adjust adjust na rin ako unlike nung 1st week na sobrang nakakapagod talaga. and my baby is getting cuter day by day. she's turning 1 month tomorrow ❤️ i wanted to be a good mom for her. i wanted to protect her and make her feel that she's always safe in my arms. dati natatakot lang ako manganak pero eto ako ngayon, na cs pa nga 😂 yung mga kinakatakot ko dati, na overcome ko na because of my baby and also God. pinapalakas nila loob ko. at tuwing nakikita ko yung smile ng baby ko, napapaiyak lang ako sa tuwa. she's a gift from God. iloveyou my keeshia aveline!! ❤️ advance happy 1 month cutie! mommy loves you so so much! always make mama happy okay??? ps. sa mga nagbasa, thankyou 😅 wala lang din akong mapagkwentuhan ng gantong oras eh hehehe at sa mga manganganak pala dyan, kaya niyo yan!! & sa mga mommies na nag aadjust pa din, wag lang po susuko. lahat po ng ginagawa natin ay para kay baby ☺️ goodnight guys! 💕

Đọc thêm
my thoughts at this time. just wanna share with you guys :)))
 profile icon
Viết phản hồi