Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
Mommy of 1 curious cub
Hilot after manganak
Required po ba talaga mag pahilot after manganak? Or, okay lang kahit hindi na pahilot? Thanks.
Finally!
My Baby Boy Brant Keian ? EDD. June 6 TVS LMP. June 11 DOD. June 4, 4pm Via Normal Delivery (Lying-In) 39 weeks and 6 days All Glory To God! Naka raos nadin kami sa wakas ni baby boy. Dasal lang at lakas ng loob, tiwala sa sarili at pananalig kay Lord. ? Goodluck Team June! Kaya nyo yan. ☺☺
38 weeks and 2 days / White discharge
3rd Baby Edd June 6 Hi mga Mamsh! Sino na dito may mga sign of labor. 2 days palang ako nakaka inom ng Evening Primrose dami ko na agad white discharge. Pero no pain pa din. 1cm ako last week. Check up ko sa 28. Sana magka progress na at hindi na humaba labor. Goodluck sa mga team June na gaya kong nasa waiting game. Pray Pray Pray for fast and smooth delivery. ??
1cm, 37 weeks and 3 days
Mga Mamsh! Nagpa check ako 1 cm na ko. Pero mataas pa din si baby. Tumataas pa acid ko heartburn kaya nag susuka ko. Sumasabay pa hirap sa dibdib nahihirapan ako huminga. Normal lang ba to? Nakaka worry. Uminom na ko ng Gaviscon. Di na ko makakain kasi sinusuka ko lang. Nag papaltipate pa ko pag tumataas sa dibdib ko yung Acid. Huhu! Sana maging okay na before ako mag labor. Pray for me Mamsh. Gustoko na talaga ma nganak para maka raos na. Hirap na hirap na ko sa heartburn and Acid reflux.
2 weeks to go!
Excited na ko mag labor mga Mamsh! Sana hindi ako pahirapan ni Baby Boy. Pang third ko na to pero kabado pa din ako. Haha! Sa two girls ko kasi 8hours ako nag labor mabilis ko lang sila nailabas. Praying na mas madali at mabilis itong pang third ko. Iba daw kasi hilab ng lalaki kesa sa babae. Super excited na ko sa Baby boy ko. Ka kilig din mag prepare ng mga baby things kasi puro blue na. Dati puro pink. Hihi! ??? Sino dito ka due ko? June 6 due ko sa transV. Sa second ultrasound May 26. First time ko din manganak sa Lying-in. Sana maging okay ang lahat. Goodluck sa atin mga Mamsh! Pray lang. ?
32 weeks. Hirap na matulog.
Edd June4. Sobrang hirap gumawa ng antok mga Mamsh. Di ko alam kung anong style gagawin ko sa pag tulog. May braxton hicks na din ako at pasulpot sulpot ang heartburn.
Ambroxol Mucusolvan 28 weeks preggy
Niresetahan ako ni OB ng Ambroxol 3x a day. Ok lang kaya to inumin? Walang effect kay baby. Ang kati kasi ng lalamunan ko. Sinasabayan ng matinding ubo. Sticky white phlegm din sa lalamunan.
Ferrous
Mamsh, what time nyo ussualy iniinom ferrous?