Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
Mummy of 2 curious junior
Insect bite or what?
Ano po kaya ito? Akala ko po before simpleng kagat lang kaya nilagyan ko lang ng tiny buds after bites at bioderm ointment. Lumaki po siya and ilang days na din walang improvement. May ganyan din po siya sa paa. Naka aexperience na po kaya kayo ng ganyan sa baby niyo? Salamat po
Meet our little princess 😍
EDD June 19,2020 DOB June 19,2020 via Normal delivery 3235 grams The pain is all worth it. I had my induced labor kasi ayaw pa din lumabas ni baby mag due date na . 37 weeks I've tried different ways to induce labor naturally, araw araw ako naglalakad sa morning 30 mins at sa afternoon. Tinatagtag ko na talaga sarili ko kasi alam ko anytime pwede na siya lumabas at excited ako. Nag pineapple juice na din ako everyday, I ate spicy foods, nag squat and nag evening primrose din ako pampalambot ng cervix which was recommended by my OB. Until June 18, I had my my check up and got 3-4cm dilated, my OB asked me kung gusto ko na magpa admit and walang paptumpik tumpik sabi ko go! at naka ready na naman sa sasakyan ang mga gamit namin. So ayun after 6 hours of labor... Tada!!! My princess has finally arrived. Tanggal ang pagod ko sa pag ire mga momsh! Kakatuwa 😊 Sa mga momshies diyan mabuhay tayong lahat!
pupu on newborn
Normal po ba na kada formula milk ni baby napupu siya after ilang minutes?
39 weeks and 4 days, still no intense contraction
Hi mga momsh, last week I had my check up na IE din ako, my OB said I was 2cm dilated. Kinagabihan nagdischarge ako ng blood medyo sticky siya ang may konting buo buo. My OB said start na daw yun ng mucus plug. It's been a week pero hindi pa din ako nag lalabour. Wala pa din akong intense pain na nararamdaman yung tipong 5-10 mins contractions. Yun kasi ang basis ko para pumunta hospital. Gusto ko na umanak at makaraos. Anyone here with same situation? ano po advise OB niyo? Thanks po
Sumasakit ang puson 38 weeks
Normal lang po ba na sumasakit ang puson on 38th week pregnancy? Not sure kung labor na ba yun kasi tolerable naman ang pain saka walang Blood discharge. Thanks po
Paninigas ng tiyan at mabigat
Hello mga momshies, normal po ba yung paninigas ng tiyan tapos mabigat yung pakiramdam. I'm 34 weeks and 4 days pregnant. Thanks po
Hospital bag for baby and mommy.
Mga mamsh due to ECQ wala pa din ako nabibiling mga gamit ni baby kasi sarado mga malls. June 19 ang EDD ko. Saan kaya ako pwede makahanap ng buby stuffs online yung fast delivery? Alam ko kasi madedelay din mga shipment due to ECQ. Thanks po