Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
Think positive as always! Never forget to God
Birthday Boy
Hello mga mommy! My baby boy turning 1 this october 18. Patingin naman po ako ng Boss baby theme sa 1st bday ng baby nyo. #1stimemom #firstbaby #theasianparentph
My baby boy ❤
Ngayon lang ulit naka pag update dito. 2months ago na nakalipas nung nanganak ako ? Sobrang sarap sa pakiramdam na yung siyam na buwan mong dinala sa sinapupunan mo ay nakita at nahawakan, nayakap mo na ?? OCTOBER 18, 2019 2800 via Normal Delivery ?? Induce Labor Sobrang thankyou kay Papa god. dahil di niya ako pinabayaan. Di niya kami pinabayaan ng baby ko ? October 17, 2019 due date ko. 7:30 pm pumunta na kami sa lying in. kung san ako manganganak. Kahit wala pang sumasakit sakin. Wala pa akong nararamdaman na kahit ano. Pero dahil ayaw ng ob ko na iintayin ko pa na may sumakit bago ako magpunta sa lying in. Ff. 8:00 pm. Pasok nako sa room magisa lang ako dahil bawal ang may kasama. Nagiintay lang sila sa labas. ? sobrang kinakabahan ako nung time na yon. Pero kailangan lakasan ang loob. dahil alam kong di ako pababayaan ni papa god. at anjan yung mama ko at asawa ko na di ako iiwanan kahit nasa labas lang sila. No phone, No foods No water. Gutom na gutom nako that time. kasi di ako kumain bago kami pumunta don. Dahil diko naman alam na bawal pala kumaen pag naturukan na ng pampahilab. ? Tiis nalang ang tanging ginagawa ko. ? 10pm, Unti unti na akong nakakaramdam ng sakit. Pero dedma. tulog lang ang ate nyo ?? Hanggang sa inabot na ng kinabukasan. Ff. 8am pinasok nako sa delivery room. Dedma padin yung nararamdaman kong sakit kasi di naman sobra. ? 9am pagka ie sakin ni ob ko, Pumutok na panubigan ko 8cm na din siya. Nung pumutok na panubigan ko dun nako nakaramdam ng totoong sakit. Jusq diko alam gagawin ko, Tanging nagagawa ko lang pag sumasakit Iiyak ng mahina sasabayan ng Ire. Pag nawala sakit idlip ng konte. Hanggang sa Ie ulit etoo na 10:30am, Rinig ko sabe ni midwife lalabas na si baby. Kaya tinawag na yung ob ko. Pwesto na' Ire ng walang ingay. sobrang hirap pero Go kaya ko to. Konting tiis nalang. ❤ Makikita ko ang anak ko ? Yan nalang iniisip ko. Almost 30mins bago pa lumabas si baby. Charaaaaaan! Lumabas na din siya. Sobrang sarap sa pakiramdam yung marinig mo yung iyak niya yung ilagay na sya sa dibdib mo ? Jusq napa Thankyou Lord nalang ako. ? At ngayon 2months old na siya ? To my little one. Iloveyousomuch ? at sa asawa at nanay ko na nagintay ng napakatagal sa labas wala din kain wala din tulog Sobrang salamat sainyo ??
Prayer for me and my baby
Hi mga mamsh, 40 weeks nako ngayon. at mamaya 6pm pupunta nako ng lying in, No sign of labor. Kaya iinduce nalang daw ako. Sana kayanin namin ni baby. ❤ Goodluck sa lahat ng mommys out there. kaya natin to! ??
help
hi mga mamsh. help naman po.Baka po may gusto bumili sainyo or baka po may alam kayong gusto bumili ng DVD at SPEAKER. kailangan lang po talaga ng pera para sa panganganak ko =( Oct 17 due ko, Pero until now wala pakong hawak na pera ? Sobrang naiistress na po talaga ako. =( diko na alam gagawin ko, nagbebenta ako ng gamit para makaraos kami ni baby ?
39wks and 4dys
Mga mommyyyyy! Mataas padin po ba? 3days nalang duedate ko na. Diko alam gagawin ftmom po. advice naman po please.
due date
3days left due date ko na, Pero no sign of labor padin. ?
Mataas
Hi mga mamsh. Mataas pa po ba? 39wks and 2dys na.
hilab
Pag ba humihilab na yung tyan nagsisimula na ba mag labor yun? Kahit wala pang mucus plug na lumalabas? White discharge lang. Pero pakonti konti lang
Pain
38weeks and 5days. Goodmorning mga mamsh. bakit po kaya biglang sumakit yung sa may bandang puson ko, Sobrang sakit po eh.
Seperate ?
Hello mga mamsh. Nakaready na yung gamit ni baby. Sineperate ko na din para dina mahirapan kumuha yung nurse. Mga mamsh ano pa kayang kulang? Meron na din akong maternity pads and adult diapers. Comment down naman po sa tingin nyong kulang pa? ? Thankyouuuu! Btw 38 weeks and 3days. Frstime mom ?