Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
First time mom
Right choice
Since newborn ang baby ko 'til now na turning 5 mos na siya, mama's choice lang gamit niyang diaper cream. Very light, mild fragrance, and mabilis maabsorb. Never nagka rash si baby. Highly recommended.
Hospital Bag
Baka meron po kayo ma-recommend na hospital bag. Yung spacious, yung kasya gamit namin ni baby para isang bitbitan na lang. 😅 Thank you.
It's a boy!
Gusto ko lang po i-share. 18 weeks and 6 days ako kahapon, araw ng monthly check-up ko. Di pa naman namin balak alamin gender kc sa nababasa ko dito minsan di pa nakikita pag gantong weeks palang. Pero habang inu-ultrasound ako ni OB bigla niyang tanong kung gusto na daw ba naming malaman gender. Aba, yung asawa ko naman biglang na-excite. Sige po doc, sabi. At ayun nga, lalake daw. Sa kanila ng asawa ko nakaharap ang monitor habang tinuturo ng OB sa asawa ko yung pototoy saka itlog daw, ganyan. Nahiya na akong sabihin na ako din patingin. Haha.. tuwang tuwa silang dalawa eh. Lalake din kc si OB. 😂 Naisip ko sa sunod na ultrasound ko na lang tignan. 😁 Ayun lang po. Good luck po sa atin mga mommies! God bless!🥰🥰🥰
May parang bubbles or ewan ko kung hangin sa bandang babang puson/ keps ko. Galaw na ba ni baby yun?
Inaabangan ko yung paggalaw niya kc 16 weeks na ako. Sabi kc ngayong week baka magparamdam na siya. Excited lang. 🤭🤭🤭 First time mom din po ako @ 32 y/o. 😊
Masakit na likod, balakang at mga hita
Hirap na ako tumayo ng kahit 15 mins lang.. ang sakit ng mga hita ko at balakang. Pag humiga ako on my back, sobrang sakit naman ng likod ko. And mas lalong sumasakit pag pihit ko patagilid. First time mom rin ako. Grabe pala ito. 😅 Turning 14 weeks pa lang si baby. Naisip ko, ngayon na maliit pa lang siya ang hirap na, pano pa kaya sa mga susunod na mga buwan. 😂😂😂