Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
mom of 1
Normal lang po ba ito?
Mga mi, pasensya na po at pasintabi sa picture. Tatanong ko lang po sana kung normal lang po ba ang discharge na ito para sa 38 weeks and 2 days pregnant. Salamat po.
Left rib pain
Mga mommies, tanong ko lang po sana if normal lang ba sa 35 weeks pregnant yung pananakit ng banda upper left rib cage? Damang dama ko sya lalo ngayong may dry cough ako. Tuwing umuubo ako ramdam ko yung sakit then pag hihiga at magpapalit ng position.
Pain on my private part/bum
Mga mommies, ask ko lang po if normal po ba sa 31 weeks and 4 days na pregnant yung nakakaramdam ng pananakit ng bandang pwetan at singit or private part. Yung pakiramdam na parang naipitan ng ugat yung sa bandang pwetan pababa ng hips. Tapos yung sa singit naman po parang mabigat yung pressure. Lalo ko po silang nararamdaman kapag tatayo from bed at pag mag change position.
Sipa ng baby sa sikmura
Hello po mga mommies, meron po ba same case saakin dito na grabe kasakit sumipa ng baby sa sikmura. Nararamdaman ko syang gumagalaw bandang sikmura and yung pakiramdam saakin is para akong sinuntok sa sikmura at sobrang sakit nya at mabigat sa pakiramdam. Normal lang po ba iyon? 29 weeks pregnant na po ako.
UTZ GENDER
Hi mga mommies, ask ko lang po sana if connected po ba ang anterior placenta sa pag check ng gender ni baby? Ano po kaya kadalasan na reason why ayaw magpakita ng gender ni baby? Currently 20 weeks po ako now. Excited po sana sa gender nya kaso sabi ng nag utz sakin ay di pa daw po alam gender kaya mag follow up nalang next month.
Shoulder pain, arm pain
Hello po mga mommies, may same case ko po ba dito na sumasakit yung left shoulder hanggang sa left arm umaabot yung pain. Parang ngalay yung feeling at minsan umaabot din sa kamay yung sakit. May times din na masakit yung sa breast area ko or sa heart ba yung masakit, hindi ko po sure kung normal ito while pregnant. 15 weeks na po akong pregnant. Sa saturday pa po kasi ang sched ng check up ko. Nagwoworry lang po ako kung ano ito kasi may chest pain rin po eh pero not sure kung baka dahil lang sa breast pain or what. Salamat po.
masakit na puson
Good evening po, hingi lang po sana ako ng advice. Kasi po 2 days na po nasakit yung puson ko parang gumuguhit yung pakiramdam pero wala naman pong spotting. 9 weeks pregnant po ako. Normal lang po ba yung ganitong nararamdaman? Salamat po.
six weeks
Hi, I just want to ask if it is normal to experience loss of appetite/ feeling bloated and abdominal pain? Yung feeling na parang laging sinisikmura at laging gutom pero walang gana kumain. I'm on my 6th week of pregnancy. Thank you!