Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
Nurturer of 1 belle serenity
Im selling preloved newborn stuffs, breastpump and milk storage bottle
Just PM me po
TEAM AUGUST ❤️
FINALLY!!! The Long wait is over. Meet my 2nd baby girl BELLE SERENITY Y. CAPARROSO EDD via LMP: August 26, 2020 3.1 kls. via NSD. Share ko lang po story ko about my journey during labour time. Kahapon check up ko sa OB kasi 38 weeks and 5 days na ako kahapon pero no sign of labour pa din. ni-IE nia ako and ayun 1cm na. Niresetahan nia ako evening primrose. Pag uwi ko ng bahay kumain lang ako onte then take ng primrose taz start walking mga 30 minutes yun. Then kumain pa ko tinapay 😂 nung gabi andami ko din nakain, nagtake ulit akonprimrose pero sumasakit na tyan ko nun. dalawang beses na din ako nag poop. 8pm at 9pm ng gabi. Madaling araw nagising ako kasi panay sakit na ang puson ko. tolerable pa naman yung pain kaya itinulog ko na lang muna. Mga 6am nagising ako diretso ligo. after ko maligo, nag oatmeal at gatas ako taz take ulit primrose. mga 6:30am gang 8:30am walking pa din ako taz squats. masakit na masakit na talaga yung puson at balakang ko pero alam kong kaya ko pa. hanggang sa 9am nagpunta na kami health center. pagdating namen IE agad and boom 6cm na. mga 11:10 pumutok panubigan ko taz ayun IE ulit ulo na pala ni baby yun. diretso delivery room. humilab tyan ko ng sobrang sakit. tatlong mahabang ire at ayun na. lumabas na si baby ko 😍 Tanging dasal lang talaga kay God ang sandata ko sa oras ng laban namen ng baby ko. 🙏😍 sa mga Team August na di pa nakakaraos always pray. walang tigil. naririnig tayo ni Lord.
TEAM AUGUST
Good day mga mommies. here na me sa health center. 6cm na din ako. Please pray for me and my baby. Hoping for my safe delivery 🙏 Thank you. EDD via LMP: August 26, 2020
which is better to follow? 🤔
Hello po mga ka momshie. magtatanong lang po 😊 last thursday nagpaultrasound ako. and based sa result ang EDD ko is September 2 to 13, 2020..and im on my 35 weeks and 6 days now kung UTZ ang susundin. pero based naman sa LMP ang EDD ko is August 26 to 31, 2020. im on my 36 weeks and 4 days now pag LMP ang susundin. Regular naman menstruation ko. eoth ngayon. nalilito ako kung alin ba susundin ko. kase si baby 2. 1 to 2.4 pa lang daw ang laki sabi ng OB ko. UTZ din yan.
34 weeks and 3 days
mga momsh. magtatanong lang 😅 mababa na po ba?
sikmura, tyan, puson
Good day mga mommies. ask ko lang po sana im 34weeks and 2 days pregnant. super magalaw naman si baby. pero sumasakit ang sikmura ko. tyan at puson. nawawala naman din. kaya lang bumabalik. is that normal po?
Breastmilk
Good day mga mommies. ask ko lang kung normal ba na parang wala pa akong gatas. nakaplano na kasi na stay at home mom ako after giving birth. di na ako nagprovide ng formula milk. im on my 32 weeks now.
PHILHEALTH
Hi po. Ask ko lang sana kung anong kelangan sa mga Hospital / Lying in / Health center like philhealth ID. txaka ano pa po yung isa? resign po ako sa work last July 31 2019. nalaman kong buntis ako last January 2020. sa August po ako manganganak. hindi pa kami kasal ng ama ng baby ko. ang ginamit kong philhealth ehh saken. pero yung tatay ng anak ko ang naghulog sa philhealth ko para sa panganganak ko. yung binayaran po namen is simula April hanggang December 2020. ano po yung ipapakita ko sakaling manganganak na ako?
POST AND PRE NATAL VITAMINS
Hi mga momshies. ask ko lang kung anong murang post and pre natal vitamins ang pwedeng ipalit sa OBYNAL M? ang mahal kasi ni obynal ehh haha.. thank you sa mga sasagot 😘 Im 29 weeks and 6 days now.