Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
Mom of two. A loyal wife.
pills
Blessed Morning mga Mommies, 1yr and 5 months na akong nagpipills Daphne and its been two months na na nagkakaroon ako ng monthly period. I consider it na period kasi umaabot talaga ng 7 days bago sya matapos and exactly 1 month talaga sya since nagkaroon ako kahapon. May mga nababasa ako na mostly sa mga user ng pills na ito is hindi talaga nireregla, kaya just wondering bakit kaya ako biglang nagkaperiod. I am still breastfeeding until now pero nabawasan na sya since isang breast ko nalang meron. Umiinom padin ako ng mga natural na pampagatas pero wala na talaga. Pinapalatch ko din sya kay baby especially kapag tulog naman na sya at gusto lang ng may nakasalpak pero wala na talaga kahit i handexpress ko. Posible ba na dahil humina na milk supply ko kaya ako nagkaperiod? Sa 17 pa ang sched ko kay OB out of the country kasi sya. Papsmear ang schedule ko saknya sa 17. Hindi po ako nagpapacheckup sa ibang OB kasi po may history po ako ng ectopic at may opera. Kaya dun lang ako sa OB ko kasi mas alam nya yung mga history ko. Ayoko kasi yung paiba iba ng prescription kaya doon na ako sa mismong nakakaalam ng case ko. Sana may makapagshare ng thoughts sainyo. It will be a big help nadin. Salamat po.
timbang
Hello mga Momsh kamusta? Kakauwe lang galing pedia, Chickenpox Vaccine nya kasi today. Ok din naman si baby kaso bumaba timbang. Nagkaubo at sipon kasi sya few days ago at nawalan ng gana kumain kaya ayun. Pero tumaas naman daw sya. Malikot nadin kasi naglalakad na. May tanong lang ako, sino dito same case na hindi tabain si baby pure breastfeed padin until now? Last month 9.1 na sya ngayon 8.8 pasok naman sya sa average na timbang kaso nagwoworry lang ako kasi naglalaro lang sa ganung bilang ang timbang nya. Tapos isa pa, nakukumpara kasi yung height ni baby sa height ng anak ng hipag ko. Malaking bata kasi sya kung titignan mo sya parang hindi 2 taon parang 3-4 na sya. Maliit kasi tignan si baby. Sinasabe ng iba kapag naglalakad kame sa labas. Kay liit liit daw nya tapos noong sinabe ko na sabe ni pedia lumaki sya parang ayaw nila maniwala pero pabiro ang ginagawa nilang pagkakasabe. Di ako naooffend kasi alam ko iba iba naman ang bata. Nagwoworry lang ako kaya hihigi sana ako tips o advise sa inyo. Thank you.
pagbubukod
Pa-Vent out lang mga Momsh ? (Usapang Pagbubukod) (Medyo mahaba po ito) 6years na kameng nakatira dito sa bahay ng magulang ng asawa ko. Sobra laki talaga ng bahay nila, kaya kahit apat na pamilya kame dito parang ang luwag luwag padin. 2 pamilya ang may anak, ako 2 na iyong panganay nila isa. Up and down ang bahay may rooftop din. 3yo palang panganay ko gusto ko ng bumukod, kasi iba padin talaga yung may sarili kang bahay, may sarili kang desisyon at diskarte. Inoffer ng mga in laws ko iyong parte sa baba. Papaderan lang siya para masara kasi sa baba 2 yung pinto. So yung isang pinto na iyon samin na once na napaderan. Nagunti-unti na kame inuna namin yung pagpapagawa ng lababo pati linya ng tubig namin. Pagkatapos noon nahinto kasi, namatayan ng magkasunod na taon yung asawa ng bayaw ko tapos kinasal yung bayaw ko na namatayan ng anak at after naman namatay yung bunsong kapatid ng asawa ko. Kaya ilang taon natigil. Ngayon naririnig ko nagpaplano na silang ipaayos yung ibang part ng bahay. Kaya nagusap kame ni Hubby na ano na bang balak doon sa planp namin. So humaba na paguusap hanggang sa madame nading nasabe kesyo hayaan ko daw silang magplan kasi sila daw madameng pera kame wala. Naiinis lang kasi ako at nalulungkot kasi ang gusto ko lang naman malaman nila dito na may balak padin kameng ituloy yung nasimulan para kahit papaano makapagadjust nadin sila sa mga dapat ipagawa nila na mas importante. Hindi ko din naman hinihiling na lumipat kame na sobrang ganda ng bahay. Mapaderan lang at magkaroon ng dibisyon para sa kwarto ok na basta bukod na kame. Nahihirapan nadin kasi ako makisama, at totoong iba padin na nakabukod na kayo, walang nakikialam lalo sa mga diskarte mo sa mga anak mo o pamilya mo. Nahihirapan nadin kasi ako makisama, nagtitiis nalang din ako.?? Sino po sainyo dito ang nagsimulang bumukod ng simpleng bahay lang. Magkano ang nagastos nyo mga Momsh? Sorry kung napahaba. Salamat sainyo
sipon at ubo
Mga momsh? Especially sa mga breastfeeding Mom. Anung ginagawa or ginagamot nyo kapag may ubo at sipon kayo? Dry kasi ubo ko pero yung plema ko sa sipon lumalabas. Ang sakit lang kasi sa ulo saka sa lalamunan. Salamat po.
Cold water
Share ko lang mga mommies, or baka meron din sainyo nakaexperience ng ganito sa mga baby nyo. Napansin ko kasi 3 days straight gumigising sya ng madaling araw or mga 10-11pm uupo at maghahanap ng tubig. Gusto nya pa malamig. Minsan nagugulat ako sakanya kasi ginigising pa ako para bigyan sya ng tubig tapos pag nakainom na sya hihiga na ulit sya at matutulog. Ang cute lang din tignan pero nagtataka lang ako kasi ayaw nya ng normal temp na tubig gusto nya talaga ung malamig, tinatabig nya pag hindi malamig or iiyak lang sya ng malakas. Ang nakakatawa na part pag naubos na yung laman at gusto nya pa, kukuha si Daddy nya sa baba ayun iiyak sya natataranta tuloy ang Daddy nya ?
milk
Since im a breastfeeding Mom and i have a daughter who is 1 year and 4 months old, i am planning to make her gain weight more. Pero ayaw ko din naman sya iformula kahit nahihirapan nadin ako dahil sa oras ng pagaasikaso hatid sundo sa kuya nya. Minsan naiiwan ko talaga sya ng di ko alam oras ng balik ko. Ayaw ko sana siyang sanayin sa mga formula since nagsosolids na sya. May maisasuugest ba kayo na milk brand or anu bang pwedeng gawin para di sya masanay sa dede para kampante akong maiwan sya. Di po kasi ako nakakapagpump kasi 1 breast ko nalang ang may gatas ngayon. Kame kasi noon 1yo ako nido at bearbrand lang kame hehehe. Kidding aside bukod ba sa formula milk may iba pa bang klase ng gatas ang nakakapaggain ng weight sa toddlers? Or anung klaseng food ba ang dapat ihain para di sila nakadepend lang sa gatas. Salamat po sa makakasagot.
spot
Daphne pills user here, tuloy2 naman yung inom ko now napansin ko nagspot ako na konti na parang go signal na rereglahin na ako. Last month nagkaperiod ako dahil nakapagskip ako ng 2 pills, nagbleed ako ng 1 week tapos nawala na. Ngayon di naman ako nakapagskip pero yun nga. Im using panty liner na to check if lalakas sya. Im breastfeeding padin till now pero isang breast ko na lang merong milk. Any opinions especially sa mga daphne users din dito. Thanks po.
Hello mga Mommies is it possible na magkaroon ka ng mens after skipping 1-2 pills. Daphne user ako for a year and 2 months na. Nakapagskip ako ng pills dahil sa sobrang pagod at dame ng gawain ko this past few days na halos nakakalimutan ko na if anung araw na. Then eto nga 2 days ago pagbangon ko bigla akong dinugo konti yung parang normal first bleed ng first day ng mens. Tapos until now meron padin ako. Humina narin milk supply ko halos 1 breast nalang ang nadedede ni Baby ngayon kasi wala ng nalabas sa isa. Dahil kaya to sa paghina ng milk ko din kaya nagkamens ako? Any opinions mga Sis? Salamat.
weight
Mga momsh sino po sainyo ang same case sa lo ko. May nagtimbang saknya last saturday brgy health workers. 8.8 lang timbang nya shes 1yr and 2 months. Payat po ba sya or ok lang. Ok naman kain nya. Breastfeed padin kame until now. Minsan mas gusto nya dumede sakin pero nakain padin naman sya. Di kaya dahil hindi na sapat milk supply ko or talagang normal lang? Please enlighten me mga Momsh thanks.
breastfeeding
Mainit na umaga mga Momsh.. Sa mga breastfeeding Mommy like me, may nakaexperience ba sainyo ng sobrang hina ng gatas ng right boobs nyo kesa sa left. Ako kasi now halos sa left nalang nadede si baby ko kasi wala ng nalabas. Worried tuloy ako if sasapat na yun for her. Salamat mga Momsh.