timbang

Hello mga Momsh kamusta? Kakauwe lang galing pedia, Chickenpox Vaccine nya kasi today. Ok din naman si baby kaso bumaba timbang. Nagkaubo at sipon kasi sya few days ago at nawalan ng gana kumain kaya ayun. Pero tumaas naman daw sya. Malikot nadin kasi naglalakad na. May tanong lang ako, sino dito same case na hindi tabain si baby pure breastfeed padin until now? Last month 9.1 na sya ngayon 8.8 pasok naman sya sa average na timbang kaso nagwoworry lang ako kasi naglalaro lang sa ganung bilang ang timbang nya. Tapos isa pa, nakukumpara kasi yung height ni baby sa height ng anak ng hipag ko. Malaking bata kasi sya kung titignan mo sya parang hindi 2 taon parang 3-4 na sya. Maliit kasi tignan si baby. Sinasabe ng iba kapag naglalakad kame sa labas. Kay liit liit daw nya tapos noong sinabe ko na sabe ni pedia lumaki sya parang ayaw nila maniwala pero pabiro ang ginagawa nilang pagkakasabe. Di ako naooffend kasi alam ko iba iba naman ang bata. Nagwoworry lang ako kaya hihigi sana ako tips o advise sa inyo. Thank you.

1 Trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

ok lang po yan momsh basta hindi sakitin c baby. baby ko maliit dn hindi tabain pero hindi sya nagkakasakit at bibo sya