Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
First time mom
Rashes
Ask ko lang po kung rashes po ba yung pulang butlig-butlig sa pwet mismo ni lo at kung anong pwede gawin? Hindi naman po iritable si lo kapag pinupunasan sya. Yung puti-puti po, nappy cream po na human nature. Tender love po gamit naming wet wipes. Salamat po sa sasagot.
Burping
Ask lang sana ako ng foolproof way and tips para madali at laging mapaburp si lo every aftermeal. After padede po ba, ipaburp ko na or wait ako ng ilang minutes para bumaba yung gatas na ininom nya? Napufrustrate kasi ako minsan na hindi ko sya mapaburp, madalas naglulungad sya then minsan nalabas sa ilong yung lungad nya o kaya naman sisinukin na sya. Ginaya ko na din mga napanood ko sa YouTube, minsan successful minsan hindi. Ebf po ako and ftm. Thanks po.
ECQ
Kumusta naman ang nutrisyon natin, mga buntis? Laban lang!! Kaya natin 'to. ? May awa ang Dios, makakaraos din tayo. Let's pray for one another. ♥️
FTM at 36
Hello.. Sino po dito past 35 years old na maging first time mom? Medyo late na kasi kami ni hubby.. TTC kami for 3 years. Namiscarriage nung 2017. And thank God, I'm on my 17th week of pregnancy. ? Kumusta po pregnancy nyo nun? Ilang taon na po kayo nung nasundan si 1st baby kung meron man? Gusto ko lang po ng support from other mommies and to know na meron din same situation.. thanks! ♥️♥️♥️