Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
Excited to become a mum
Poop ni baby
Hello❤️ madalas kulay green Yung poo ni baby,normal po ba yun? Minsan Naman yellow.
Smelly discharge
Np Private part Mommies 1 month Mula ng manganak ako. Nag stop na dugo ko pero may lumalabas na mabahong fluid Mula sa ano ko. Normal po ba yun? Baho nya talaga. 💔 Sino po same case ko dito.
Baby
Mommies normal Lang po ba sa isang sanggol na parang lagi siyang nagugulat? Kahit tulog sya bigla nalang syang nagugulat.
vitamins
Mommies, 2 weeks palang Ang baby ko, mix feed ako, binigyan ako ng vitamins ng midwife for my baby. Hindi kaya masydong maaga pa para mag vit si baby ko? Multivitamins at ascorbic acid po
poop
Mommies may pagkakataon ba na Hindi talaga nakakadumi ang baby sa isang araw? Worried ako, dami na nya Kasi nainom na gatas. Mix feeding ako mommies.
boses
Mga mommies ma de detect po ba sa newborn screening kapag Ang baby ay mahihirapang magsalita in the future? Kasi po Yung baby ko parang paos kapag umiiyak. Minsan umiiyak sya pero walang boses? iniisip ko baka may problema sa lungs nya , o baka may sipon sya sa loob ?? nakakaiyak Naman sya na may boses pero nawawala? may same case ba dito ?
Pagmumuta
Normal Lang po ba sa isang bagong silang na sanggol na magmuta Ang kanyang Mata? 1 week old na baby ko. Nagmumuta Ang left eye nya. ?? Kulay dilaw.
Newborn baby
Normal po ba sa isang silang na sanggol na Palaging tulog? Isang beses Lang nagigising sa isang araw?
birth story ❤️
Hello mommies. Ako po Yung nagpost last Wednesday night❤️ EDD: June 18, 2020 DOB: May 28, 2020 Amara B*** Ftm Saktong 37 weeks lumabas so baby. 2.3. 5:55am. may 28, 2020 Share ko po birth story ko❤️ Wednesday Ng Gabi may lumabas na brown discharge sakin. So nagdecide kami na pumunta sa lying in para itanong if sign na ba yun na manganganak na ako. In-IE ako ng midwife, close cervix daw. Pinapuwi kami then balik daw po kami bukas paravma assess ako ng doctor about sa pagsakit ng puson ko at brown discharge. Nung pauwi na kami, biglang may lumabas na tubig sakin. Diko mapigilan Ang pag daloy. Panubigan ko na pala. Bumalik kami, Pina admit ako para obserbahan. 9pm nag start Ang active labor ko, nag IE Ang doctor sakin, 1-2 cm palang daw. Ewan ko siguro mababa Lang talaga Ang pain tolerance ko, para sakin Ang sakit sakit na ng 1-2cm na Yun, hihilab Ang puson tapos mawawala, 5 minutes interval. Pero kahit naglabor na ako , nakakatulog parin ako. Nagigising Lang ako kapag may contraction na Naman. 1pm In-IE uli ako ng midwife.. ganun parin 1-2cm parin daw. Hirap na hirap na ako sa sakit pero stock sa 1-2cm. 2pm pinuntahan ako ng doctor, at sinabi na kada hilab ng puson ko daw, sabayan ko daw ng ire. Para bumaba. Tapos lakad lakad daw. Ginawa ko Yun .. ire Lang ako ng ire ..grabe sobrang nakakapagod at nakakapanghina na pero sinunod ko parin si doc. 4:30pm Ito na Yung kasagsagan ngTUNAY NA LABOR, Sabi sakin ng midwife, Ang tunay na labor daw ay Naga start sa 8-10cm.. grabe parang mahihimatay na talaga ako sa sakit. Halos Segundo nalang Ang interval ng hilab. Ang sakit nya is nagsisimula sa puson tapos aakyat Ang sakit tapos babalik sa puson bat diretso sa may pwet..grabe talaga.. nagmamakaawa na ako sa midwife na I painless na ako Kasi parang mahihimatay na ako. Isa pa sa pinaka masakit at Yung humihilab Ang puson ko sabay IE sakin.. ?? pagka IE sakin mga bandang 5:35, sinabi Ng midwife na full cm na ako, Dali dali kaming nagpunta sa Delivery room . Pagkahiga ko Sabi ko natatae na po ako, Sabi ng 2 midwife sige Lang daw itae ko lng daw Ang nararamdaman ko. 3 ire Lang ako mga sis and baby's out. Walang doctor dun. Dalawang midwife Lang Ang kasama ko, ❤️❤️ diko na ramdam Ang paglabas ng inunan ko at pagtahi Kasi 2 shot ng painless ang tinurok sakin. Maliit Lang daw Ang tahi ko Kasi 2.3 Lang si baby❤️❤️sa loob po Mismo ng pp Ang tahi.
pregnancy
Hello mommies, 33 weeks and 1 day na si baby sa tummy ko♥️♥️ Patingin po ako ng inyong mga baby bump♥️ TEAM JUNE♥️