Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
Mama bear of 1 energetic magician
Magkaibang baby gender
1st ultrasound ko nung June baby girl ang sabing gender ng baby ko. Then nagpa ultrasound ulit ako ngaun 34 weeks, baby boy naman daw. Parehong sa separate laboratory ang pinag ultrasoundan ko and pag nagpupunta ako sa Center at sa OB binabasa lang nila result ng ultrasound. Anu nga kaya gender ni baby.
Preggy during ECQ
Hi mga momshies and momshies to be. sa mga working preggy po pano po kayo pumapasok ngaung ECQ? Samin kasi hindi work from home and I'm worried dahil sobrang taas ng COVID cases lately tapos need pa pumasok sa office kaht na may mga nagpositive na din dun. Puro lang sila quarantine s mga nag positive at mga nksalamuha nito at disinfection, aside dun wla na. Sobrang worried ako dahil high risk tayong mga preggy..
SSS Maternity Benefit
Totoo po b na pag employed kailangan ang employer ang mag file ng Mat1 at Mat2 sa SSS? Gusto ko po sana na ako ang mag file dahil marami pong balita sa office namin na ung ibang inapply ng company more than 1 year na hindi pa din nila nakukuha benefit nila. Thank you po sa sasagot.
Working Preggy
sino po dito preggy na working sa call center? purely night shift po work ko at ang hirap mag adjust dhil di ako makatulog sa araw tpos sa work sobrang antok na antok. 2 months preggy for the 2nd time at sobrang selan. panay suka at sobrang bilis mapagod at manghina. 😞