Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
Hoping for a child
Menstruation
Hello po malakas po ba talaga yung regla after a month ng pag raspa?
Pink/brown discharge
Hello po ilang days po ba bago mawala yung brown or pink discharge after d&c?
Trying to conceive
Hello po bakit po kaya sabi ng ob ko 2-3 years pa po ako dapat mag buntis after d&c ko po? Nababasa ko kasi kahit 3 cycles of menstruation pwedi na daw. Napakatagal naman na po kasi ng 2-3 years.
Folic acid
Hello po okay lang ba I continue ko yung folic acid ko after D&C?
Hello po kelan po ba yung right time para magbuntis after D&C?
Evening primrose oil
Hello po wala pong heartbeat ang baby ko at nag bleeding po ako pero di po heavy bleeding at di pa po ako na raspa dahil close cervix pa po niresetahan po ako ng evening primrose oil, effective po ba yun kapag itake ko siya orally?
Need answers
Hello po, continue ko parin po ba itake yung hemostan, after embryonic demise declared? May binigay po kasi sakin na meds para ma open cervix na ako kasi di pa pwedi iraspa dahil close cervix pa. Wala na po kasi ako sa focus kanina kaya di ko na po nagawang mag tanong. Thank you.
Embryonic Demise
Hello mommies, thank you po sa mga advices niyo. Yung brown discharge ko na nag turn into dark red discharge is because walang heartbeat si baby, embryonic demise pala. First baby ko po at ang tagal ko inintay yung pagkakataon na to pero hanggang dito lang pala. Thursday nagka discharge Friday nag punta na ako ob kaya kayo po kapag may unusual discharge have it check na po.
Light brown to dark discharge
Hello po worried na po kasi ako, okay lang po yung ganito? Pumunta na kasi ako sa ob ko kahapon kasi po may light brown discharge po sakin tapos binigyan niya ako ng hemostan, at nakapag start na po ako uminom 3 times na okay lang ba na ganyan na po nalabas sakin? Sa Monday pa po kasi balik ko sa ob ko for vaginal sonogram. 12 weeks pregnant na po ako.
12 weeks pregnant
Hello mommies, 12 weeks na po ako ngayon sabi nila may mararamdaman na daw ako na parang bukol pag hinawakan ko puson ko pero parang wala naman po ako ma feel.