Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
Momsy of 1 sweet daughter
Whyyyy??
Bakit ba may mga lalaking kayang talikuran ang lahat lahat lalo na ang anak nya para sa babae nya at para maging magaan ang buhay nya? 34 weeks preggy, walang suportang nakukuha mula sa daddy ng baby ko, masyado ng nag paka saya sa babae nya at tuluyan na kaming pinabayaan. Yung sama ng loob ko hindi maubos ubos. Yung awa ko sa anak ko hindi mawala wala, hindi ko ginustong magkaroon din sya ng broken family tulad ng 1st baby ko pero sadyang hinahamon ata talaga ng tadhana. Natatakot akong manganak at nalulungkot para sa anak ko. Hindi ko na alam pano lalabanan ang depression lalo na siguro pag nanganak na ko. ???
Broken
Hi Momshies! 27 weeks pregnant medyo naaaning na naman. Hanggang ngayon hindi ko alam bakit nandito pa din yung sakit ng iniwan at pinag palit. Simula nag umpisa ang pag bubuntis ko iniwan na kami at may bago agad na girl yung daddy ng baby ko. Hindi nya agad inamin sakin na sila pero alam ko naman at ramdam ko naman yung katotohanan, bumabalik balik sya or nag paparamdam pag may kailangan pero walang binibigay na tulong para samin ng baby. Kahit sa usapang financial para sa panganganak ko dedma na, gusto makikinabang na lang sa baby pag labas. Ang sama sama lang sa loob na bakit kaya may mga ganong tao na kayang mag pakasarap kasama ng ibang babae habang kami ng anak nya eh pinabayaan na ng tuluyan. Pinangarap naming dalawa to pero sa huli naiwan kaming mag ina. Kahit anong iyak ko hindi matapos tapos yung sakit. Buti pa sakanila ganon ganon lang, in just one snap happy na agad sa iba, pasarap buhay, pagala gala na lang. ???
Iniwan at pinag palit ☹️
Hi momshie! 10 weeks preggy here. Kung sainyo ngyare, paano nyo tatanggapin na iniwan ka ng ng partner mo at pinag palit ka sa mga kaibigan nya at kalandian nya. ? Tapos sasabihan ka pa na pati yung baby kakalimutan na nya matahimik lang ang buhay nya. Yes madami kaming naging away at hindi pag kaka intindihan pero hindi ko lubos maisip na kung kelan nandito na yung pinaka hinihiling nya (yung mag ka anak) biglang mas gugulo pala ang lahat at mauuwi lang sa ganito. Wala pa man pero nasira na yung buhay ng baby ko. ?
SSS
Hi po! Ask ko lang kung manganganak po ako sa January tapos mag vovoluntary contribution ako sa SSS, anong month po ako dapat mag umpisa ng hulog and ilang months ang kailangang kong hulugan? Last hulog ko po sa SSS eh nung 2016 pa. Thanks po.