Iniwan at pinag palit ☹️
Hi momshie! 10 weeks preggy here. Kung sainyo ngyare, paano nyo tatanggapin na iniwan ka ng ng partner mo at pinag palit ka sa mga kaibigan nya at kalandian nya. ? Tapos sasabihan ka pa na pati yung baby kakalimutan na nya matahimik lang ang buhay nya. Yes madami kaming naging away at hindi pag kaka intindihan pero hindi ko lubos maisip na kung kelan nandito na yung pinaka hinihiling nya (yung mag ka anak) biglang mas gugulo pala ang lahat at mauuwi lang sa ganito. Wala pa man pero nasira na yung buhay ng baby ko. ?
Mamsh di mo pwede sabihin na nasira buhay ng baby mo dahil lang iniwan ka ng partner mo. Ano pa at may nanay syang superwoman diba? Isipin mo mamsh kung kayo pa rin ng partner mo. Lumaki na baby mo at ang kinalakihan nya is yung pag aaway nyo or pambababae ng daddy nya? Mas malaking kasiraan sa katinuan yun mamsh para sa isang anak. Kasi naranasan ko yan. Kaya mas ok nang ngayon pa lang nalaman mo na tunay na ugali nyang partner mo. Pakatatag ka lang mamsh. May awa ang Diyos hindi Nya kayo pababayaan. Always isipin mamsh nakakayanin mo yan para s anak mo
Đọc thêmAs a mom of two na meron din hubby na masyadong immature, minsan nasasabi ko sa sarili ko mas mabuti pa siguro wala sya kesa andito nga pero stress lang binibigay plus away everytime mag usap kami ng mga seryosong bagay. My point is, akala lang talaga natin di natin kaya wala tayong partner pero dadating tayo sa point na mas pipiliin natin ang tahimik na pamumuhay kesa may kasama tayo sa buhay pero sakit sa ulo kang binibigay. Kaya mo yan, mamsh.
Đọc thêmHindi naman nasira ung buhay ng baby mo, andyan ka as the mother, kaya mo naman ibigay lahat ng pagmamahal na kailangan nya so hindi masisira buhay niya, unless pabayaan mo din siya gaya ng tatay nya. You have to think positive despite everything na nangyayari. Pray na maging safe kayo ni baby all throughout the pregnancy. Kaya mo yan. 🙏
Đọc thêmNope mommy. Di pa sira buhay ni baby mo or buhay nyo. Pakatatag ka lang pray lang. Malalagpasan nyo rin ni baby yan. Gawin mo ipakita mo sa ex mo na hindi nyo sya need aa life at makakaya mo together parents/family mo na buhayin si baby at hindi ka pabayaan ni Lord 😊 kapit lang mommy gaya ng pagkapit ni baby sayo
Đọc thêmIsipin mo na lang momsh na kung mananatili yang tao na yan e lalo ka lang masstress. Hayaan mo siya sa buhay niya. Intindihin mo na lang ang baby mo. Tapos magsampa ka na lang ng child support sa kanya para naman makabawi bawi ka. Wag po kayong mag alala, may blessing na nakalaan si Lord sa inyo.
Be strong mamsh😊 hndi ibig sbhin iniwan kayo ng anak mo eh sira na ang buhay ng baby mo. marami ngang iba dyan single mom pero nagagawang palakihin ng maayos ang anak nila.🙂 okay na yan. kesa naman mag sama kayo tapos puro barkada ang iniintindi nya edi buong buhay mo ma sstress kalang!
Sis be strong wagka nalang Sa kanya mag focus kay baby nalang kakayanin mu yan.. Kung ganyan yung words nya ipakita mu na hindi nyu sya kailangan pray lang sis huh ?? 💪💪
Pray lang sis. Be strong para sa Baby mo 😊 Mhal ka ni God . Di niya kayo pababayaan ng Baby mo Godbless sa inyo .
Okay lang yan mommy. Focus ka lang kay baby. Kayang maya mo yan. Wag mo na siya isipin di naman siya kawalan
Pakatatag ka lang po. God will provide. Mas malaking blessing ang darating sainyo ng baby mo. 👍