Whyyyy??

Bakit ba may mga lalaking kayang talikuran ang lahat lahat lalo na ang anak nya para sa babae nya at para maging magaan ang buhay nya? 34 weeks preggy, walang suportang nakukuha mula sa daddy ng baby ko, masyado ng nag paka saya sa babae nya at tuluyan na kaming pinabayaan. Yung sama ng loob ko hindi maubos ubos. Yung awa ko sa anak ko hindi mawala wala, hindi ko ginustong magkaroon din sya ng broken family tulad ng 1st baby ko pero sadyang hinahamon ata talaga ng tadhana. Natatakot akong manganak at nalulungkot para sa anak ko. Hindi ko na alam pano lalabanan ang depression lalo na siguro pag nanganak na ko. ???

1 Trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Kaya mo po yan Mamsh. Wala magagawa e kesa ipilit sa lalaki na napaka iresponsable. D naten alam bat ganan tumakbo utak nan malamang kulang sa turnilyo. Yaan mo po may karma sya. Seryoso yun maybe not today but someday. Basta kayanin mo po malalampasan mo din yan. Para kay baby.