Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
Mumsy of 2 superhero. Excited to meet my 2nd baby
Breastfeeding to bottle feeding
Paano ko kaya mapipilit ang baby ko na wag ng dumedede sakin? Kasi ayaw nya magbottle pati din training cup inaayawan niya ang mga gatas. Nagtanong na din ako sa pedia nya sinabihan ako na ichocolate milk ko sya sa training cup nya kasu paunti unti lang minsan ayaw pa. Nai-stress na ko kasi iisang dede ko lang ang meron nalang gatas kasi ayaw nya dati ung isa kaya wala ng karga. Ang sabi ng pedia baka daw wala na sya mashado makuha sa aking nutrients. Nagtry na din ako ng kung ano anong feeding bottle at mga nipples pero ayaw talaga!
10 Months BF si baby mahirap ipabottle
Hello po. Pano niyo po pinabottle si baby niyo nung ayaw niyo na syang magbreast feed sa inyo? Nasabihan kasi ako ng pedia niya na ibottle ko na sya kasi nagflat ung kilos niya nung nakaraang bwan, balak ko sana sya ibf hanggang 2 yrs old sya kasu ayaw nya ung isang breast ko kaya sa isa lang sya nakakakuha at dahil don wala na syang sapat na nakukuha sakin kasu ayaw niyang magbottle kahit gutom na gutom na sya. Natry ko na din na sa mama ko iwanan at ung bottle lang talaga meron kasu ayaw talaga. Pa help po sa nakaexperience?
Basang tae ni baby 7 months old
Nagtatae po ba ang baby pagka ganito kabasa ang tae? Para kasi watery sya. Nagka ngipin po pala sya dalawa
Tahi after manganak
2 months na kasi after ko manganak pero meron parin ung sinulid na ginamit sa tahi ko. Ang worst is hanggang pwet ang natahi kaya matagal maghilom tapos constipated pa ko malalaki ang poops ko kaya kaganina dumudugo ulit dahil umire ako sa pagpoops. Sino po nakaexperience ng ganito? Ano po home remedies na ginawa niyo bukod sa paglilinis at Betadine fem. Hayy hilom na sya kasu feeling ko di pa totally healed
Team October still no discharge malapit na due date ko nasstress na ko
Mga mommies 39W3D na ako kasu wala pa ring discharge ung parang white lotion lang. 4 days nalanv due date ko na. 2cm ako last IE ko pagka di pa daw ako nanganak sa 19 tuturukan na ko ng pampainduced. Nainom ko na lahat pineapple juice, luya, chuckie at 4 banig na ng primrose naubos ko 3x a day intake at 2 pcs per night insert. Nagwawalking ako umaga at hapon with labor exercise at my exercise ball din ako. Nagddo kami ng asawa ko para matulungan akong magnipis ang cervix pero hanggang ngayong di pa din lumalabas si baby. Sana lumabas na sya before ako mag over due. Bahala na si Lord ibibigay ko na sakanya ang lahat dahil na istress lang ako. Pag lalabas na si baby, lalabas din siya in perfect time pero I'm still praying na magnormal delivery pa rin ako at ligtas kaming pareho 🙏🙏
Team October sino na nakaraos?
Mga mii naka 3 banig na kong primrose oil nagiinsert ako ng 2 every night at intake 3x a day with squat, lakad ng matagal, akyat baba ng hagdan, ginagaya ko ang exercise sa YouTube para sa labor at meron din akong exercise ball 😅 ano pa ba pagod na ko haha 🤣🥲 umiinom na din ako ng pineapple juice. sana makaraos na 🙏😇 gabayan mo kami at ingatan lahat hanggang makapanganak kami Lord 😇🙏
Gusto ko na makaraos Team October
Ako lang ba dito gusto ng makaraos at manganak? Ansakit na kasi ng likuran ko ung nga buto buto ko pati ribs ansakit ang hirap matulog. Ilang araw na rin ako nag cocontraction kasu hihinto din naman pagkatapos ko magpahinga at makatulog. Sana manganak na ko ng mabilis at normal delivery kasi halos araw araw na sumasakit puson ko at likuran 🙏
Team October EDD OCTOBER 19
38W1D Today. Sino po my same case ko dito ung tyan ko sobrang tigas na at ung pakiramdam na gusto kong mag ire hindi ko mapigilan tapos ung buto buto ng pempem ko masakit, ang bigat din ng tyan ko. Ilang araw ng masakit ung puson ko kasu pahinto hinto. Tapos wala naman akong discharge maliban sa white na parang lotion. Sign of labor na kaya to? Kasu magalaw pa rin ang baby ko.
Mga momsh nahihilo hilo din po ba kayo ngayong kabwanan na ninyo?
Nafefeel ko kasi lalo na pag nakatayo ako na nahihilo hilo ako at parang may kumikirot kirot sa p*p* ko.
35 weeks and 6 days abdominal pain
Hello po. I'm currently 35 weeks and 6 days today. Around 11:20 pm nagsimulang sumakit ang puson ko dere-deretsho na sya hanggang 12:30 am nakatulugan ko naman kasu nagising ulit ako ng 1:30 am kasi masakit na naman puson ko pati na mga balakang ko and para na akong natatae tapos laging tumitigas ang tyan ko. Possible kayang nag prepreterm labor na ko? Di pa full term si baby according sa unang utz ko 😪