6 months old baby poop starting solid foods
Hi po mommies, ask lang sana if normal lang ganitong poop ng 6 months old baby na kakasimula pa lang kumain ng solid foods? Mashed potato pa lang at cerelac natry nya tapos gatas na po nya is Nestogen 2 dating Nestogen 1. Pero poop nya sa umaga is medyo thick na parang jebs na ng adult tapos dark green po. Tuwing gabi lang sya ganan ang consistency ng poop nya. 😊Sana po masagot. Normal lang din ba na 2x sya dumumi sa isang araw? #poop #6months #BabyBoy #SolidFood #MashedPotato #Nestogen
Đọc thêmMommies, medyo worried lang. Flat padin po ba head ni baby ko sa tingin nyo? Napansin ko kasi medyo nagflat sya nung newborn kasi lagi syang nakatihaya matulog. Magbabago pa po kaya ito? Lagi sya ngayon nakadapa at nakatagilid matulog. Ayaw na nya nakatihaya. By the way 5 months na po baby ko at nakakaupo na po sya with our support padin syempre. #flathead #flatheadat6months
Đọc thêmHi mga mommies. Ftm here. Anu pong mga signs ang dapat kong bantayan? Malapit lapit na din po akong manganak. Sumasakit na minsan ang mga singit ko pag babangon or tatagilid ng paghiga. Tapos lagi na din naiihi. May white milky discharge na din madalas. Pero safe na bang manganak after 37 weeks or dapat 38 weeks pa pataas? I-IE pa lang ako ng OB ko sa Saturday saktong 37 weeks ko. Pag ba bumuka na cervix tuloy tuloy na kaya po yun? Thank you sa sasagot.#1stimemom #advicepls #pleasehelp #pregnancy #firstbaby
Đọc thêmCephalic Presentation @ 36 weeks
Hi mommies. Nakakatuwa po nakaposition na po si baby ngayong 36 weeks na tummy ko. Possible ba na umikot pa sya? Pero sana naman hindi na. May nakaranas po ba senyo na biglang naging suhi nung manganganak na? Anu po kaya ways para magstay na sya na ganun hanggang manganak ako. Aim ko talaga ay magnormal delivery kami. Salamat mommies. 😊#1stimemom #advicepls #pregnancy #firstbaby
Đọc thêmTransverse Lie 31 Weeks Pregnant
Hi mga mommies. Ftm here, hingi sana ng advise kung paano mapapwesto si baby into cephalic position. Until now kasi transverse lie padin sya kahit lagi naman akong nakahiga sa gabi ng pagtulog ng left side. Nagawa ko na din yung mga napapanood ko sa YT like paglalagay ng music sa baba ng belly while doing yoga exercises. Aim ko kasi is normal kasi and worried ako na pag di pa din sya magcephalic maCS ako. 🥲Sobrang likot din kasi ni baby. Panay sipa at suntok nya sa tyan ko kaya alam kong ganun padin ang pwesto nya.#1stimemom #advicepls #firstbaby #pregnancy #pleasehelp
Đọc thêm