Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
Nurturer of 1 handsome boy
Asking for Gaining weight
Hello mga mmi pa hug and comfort di ko na po alam gagawin ko. Yung baby ko kasi since 3 1/2 months up to now na 5 months and 1week na siya eh parang .something lang ang dagdag sa timbang niya 🥺 di na naalis sa 6kilos huhu feeling ko tuloy di sapat ang milk ko btw, Pure breastfeeding ko siya malakas naman siya magdede mayat maya pero nagtataka lang ako sa pag gain niya ng weight 🙁
Spotting after 3days ng menstruation
Hi mga mmy, 1month and 10 days after gave birth nagka regla na po ako almost 1week po nag stop lang regla ko last may 30 then kahapon po nag spotting ako until now normal lang po ba ito or sino po same case sakin. Eh
Tahi sa pwerta
Mga mhie, ilang weeks bago tuluyang naghilom yung tahi niyo sa pwerta after manganak? Pang 18days ko na ngayon and pansin ko masakit pa din yung tahi ko masakit pag tumatayo at naglalakad na parang karga karga ng pwerta ko yung bigat ng buong katawan ko tas di maganda amoy ng discharge ko till now may dugo dugo pa din pero iba yung amoy niya medyo nakaka dismaya di ko na din alam gagawin ko..
Highblood
Mga mmy, sino same case ko dito na VBAC then after manganak eh biglang naging highblood?
Asking for Edd.
Mga miii ask ko lang. Via lmp this April 19 ang edd ko then sa Tvs naman po april 26 nung una then april 24 sa pangalawa at yung latest na ultrasound ko via bps april 30 na po ang edd ko. Ano po ba ang dapat kong sundin? Mag 36weeks na kasi sana ako this monday pero sa bps ko 34weeks and 3days pa lng ako ngayon.
Bloated 35weeks pregnant
Mga mii, pansin ko parang lagi nalang ako bloated ngayon medyo malala siya ano po kayang remedy ang pwede sa ganitong case? Parang di ako natutunawan at busog ang feeling khit di pa ko kumakain
Vaginal Discharge
Hi mga momsh. Ask ko lang po kung sino same case ko dito na may discharge na prang tubig pero pag tumagal nag wa white siya medyo madami po na para kang nakaihi sa panty eh. 29weeks pa lang po akong pregnant. Nararanasan ko to palagi pag naglalakad at kumikilos ako.
Asking about salah
Asalamuwalaykum. Magtatanong lang po ako sa kapwa ko (Muslim) isa po akong balik islam. Magtatanong lang po sana ako dahil nalalapit na ang Ramadan. Kung pano po ang step by step na pag sasalah ng isang buntis hindi ko na po kasi kaya magpa tirapa dahil malapit na din po ang kabuwanan ko at baka matapat pa po na during ramadan ako manganak. Wala po kasi akong makitang tutorial sa Yt, or kung may alam po kayo sana ay may Magbahagi po thankyouuu 🫶🏻
Want to ask
Mga mmy, kaka 26weeks ko lang sakto ngayong araw. Pag nagpa ultrasound po kaya ako malalaman na yung gender? Kasi last december di po makita pero expected baby girl po ang sabi ng sonologist. Naeexcite na kasi yung asawa ko mamili ng mga gamit 😁
Asking lang po
Hello po. Pa help naman po basahin ang utz result ko Thankyou! 🥰