Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
First time mommy
How Do You Sleep?
Mga mommies, ask ko lang ano position niyo sa pagtulog? I'm 39 weeks and 2 days preggy. Lagi na akong puyat nitong mga nakaraan dahil sa mga contractions. Salamat sa nga sasagot po.
Question: Sino Po Dito Naranasan Mag-bloody Show?
Hi mommies! Last night pagpunta namin sa OB ko, dinudugo na po ako pero 1cm pa lang kaya umuwi kami. Tuloy yung bleeding na parang nireregla na ako until tanghali. Nag-stop siya (not sure kung dahil nag-napkin na ako. Panty liner kasi unang gamit ko). Around 7pm tonight, nag-start na naman ako duguin until now. Pasulput-sulpot na humihilab tiyan ko na para akong napu-poop pero titigil din. Not sure ilang cm na ako ngayon. Nung nag-bloody show po kayo, gaano po katagal bago kayo nanganak? Umabot po ba ng ilang days pa? First timer here kaya medyo takot ako kasi baka may mangyaring di ok kay baby. Salamat po sa sasagot. By the way, 38 weeks and 5 days na po ako today.
Labor: 38 Weeks and 3 Days
Kanina nagising ako ng bandang 5:30PM, parang masakit ang puson tas basa po yung underwear ko. Kala ko normal kasi nitong mga nakaraang araw, madami nang lumalabas sa akin na white discharge. Bandang 6:30PM, nung mag-cr ako, nakita ko puro dugo yung panty ko, yung parang umpisa ng regla. Medyo madami siya. Ibig sabihin po ba malapit na manganak? Naninigas yung tiyan ko pero di naman masakit. Nakausap ko secretary ng OB ko, normal daw po yun pero para sure, pinapunta nya ako sa hospital para ma-check. Sign na po ba na malapit nang lumabas si baby?
First Time Mom
I'm almost 38-week pregnant. Hindi po ako sure kung nasobrahan lang ako sa paglalakad last night since namili kami ni hubby ng mga kulang namin na gamit ni baby. Feeling ko sobrang napagod ako, kaya nung nag-grocery, hinintay ko na lang si hubby ang mamili at naghintay na lang ako sa kanya sa isa sa mga upuan. Nung tumayo ako, feeling ko ang sakit po ng vagina ko: sobrang bigat. Until now po tuwing tatayo ako. Hindi ko alam kung sign po ba iyon na malapit-lapit na lumabas si baby o nasobrahan lang sa paglalakad. I'm due on the 22nd of this month. Thanks in advance sa reply niyo. God bless!
Tootache :(
Ano bang remedy na pansamantala kung masakit ang ngipin? Regular namam ako nagpupunta sa dentist ko. Kaso ngayon, biglang sumakit. Wala naman butas pag-check ko, pero namaga yung gums (yung tinatawag na "nangamatis". So far nagmumog muna ako ng tubig na may asin. I'm 34 weeks pregnant right now. Thanks in advance!