Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
Mama bear of 2 troublemaking superhero
"Bleeding" THIS IS A LONG STORY
Hi guys, sana mabigyan nyo ng time para basahin. Apr.29- 1-2cm na po ako mga 6pm po yun ng i I.E. ako sabi ng midwife mga 11pm daw baka manganak na ako pero walang sakit na nararamdaman, hilab hilab lang pero nawawala din. Apr.30- may blood discharge na. Around 9am nag punta na kaming Lying in Clinic, Maghapon kami dun pero hindi parin ako nanganak kaya ng bandang Midnight umuwi na kami. May 1- Dumaan ulit kaming clinic para mag pa I.E. then, nasa 4-5cm na daw sa ng midwife. Umuwi muna kami dahil talagang hindi tumutuloy yung sakit at hilab. Sabi ko babalik na lang kami kapag hindi ko na talaga kaya. Still parang nireregla na ako nun pero mahina lang. May 2- Grabe na yung Blood discharge ko, so mga 9am nagpunta na kaming clinic nag antay nanaman kami dun at yun na nga pinainom na ako ng primrose at pinasakan mga tatlo siguro yun. Dun na nag start yung Active labor ko. Siguro mga 1hr lang ung active labor ko na soooooobrang sakit talaga. BTW, this is my SECOND baby history. Sa unang anak ko soooooobrang smooth lang ng pag kakapanganak ko walang kahirap hirap. So nung nag active labor na ako after 1hr nga nanganak na ako. Konting ire lang lumabas agad si baby. So I'm so happy nanaman kasi ang bilis lang konting ire lang din pero masakit talaga labor ko dito sa pangalawa. Ito na nga, Okay na binihisan na si baby ako naman tinahi na, ngayon pinasakan na ng sanitex ung pempem ko and boom ang bilis nyang mapuno. It means ang lakas ng bleeding ko nag karoon pala ako ng PUNIT SA MATRES so dahil nga sa Lying in lang ako need ng on call doctor. 6PM ako nanganak then 11PM pa dumating si Doctor. Palit ng palit ng sanitex, every time na huhugutin ung sanitex, nararamdaman ko yung buga o bulwak ng dugo ko. Yung pinaka huling hugot ng sanitex nahilo na ako sobrang naubusan na ako ng dugo 80/60 na daw yung BP ko. Then, nilagyan na ako ng oxygen at nakita ng asawa ko bigla akong namuti sa putla. Binigyan na ako ng Rosary ng clerk sa clinic, nagdadasal na sila. Tapos nung huling hugot nga nung sanitex, hindi na nilagyan pa ng sanitex kundi ung mismong kamao na mismo ng midwife yung ipinasok sa pempem ko, imagine ISANG KAMAO ANG NAKAPASOK SA PEMPEM KO. I need to undergo for Cervix Laceration, na doctor lang dapat ang gumawa kaya si midwife nakasteady lang dun sa loob ng pempem ko unh kamao. Then, pinalalakas ko loob ko at loob ni midwife na wag sana syang mapagod na wag syang bibitiw. sinasabi naman nya sakin oo,hindi ako bibitiw malapit na si doc. At ayun na nga dumating na si Doc tinurukan na ako ng pampatulog. AND THE ALL TEAM SAVED ME. ALL GLORY TO GOD JESUS CHRIST 🙏 EVERYTIME na naaalala ko to, kinakabahan ako at nanginginig nagpapawis ang kamay at paa. Ewan ko, natatakot ako. 😭😭😭
TIGDAS HANGIN
Sept.17 - Second day ng lagnat nya. First check up Sept. 20 - First day ng paglabas ng butlig nya. Sept.26 na pero bakit ganito mga momshie di parin nawawala 🥺😭Ang tagal na. Nag ask ko kay pedia kung baka HFMD hindi naman daw kasi meron din sa tiyan at likod. Pero mas marami po talaga sa kamay at paa pero wala naman sa mouth.
contractions
Ang sakit na ng Tiyan ko. Sasakit sya ng sobra mga 3-5minutes tapos biglang mauutot lang pala ako. Nakakatakot kasi ung feeling ng mapopoop ka ay parang feeling ng maglalabor. I'm 33 weeks pregnant palang. Sana di ito early labor. ? (Second baby ko na po ito)
Pubic Bone
Masakit na ang pubic bone ko normal po ba sa 33 weeks preggy ang ganun? TIA