Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
First Time Mom!
byenan na pakialamera
Pa voice out mga momsh!, napakahirap malagay sa sitwasyon na lahat ng kilos pinapakialaman ng byenan, ultimo kung ano susuotin ng baby ko dapat ganito ganyan porke sya may bili mga gamit ng baby ko (wala kasi work asawa ko mula nung nabuntis ako e), ang hirap sumagot hnd ko kasi ugali makipagtalo sa mga walang kwentang kausap haha pero totoo palagi magaling byenan ko gusto nya sya lang palagi tama, minsan naisip ko kung lumayas kaya kami ng apo nya para matauhan naman sya, pakiramdam ko kasi wala ako karapatan sa anak ko pano pa kapag habang lumalaki anak ko baka ma spoiled nya lang. Ayoko mangyari yun. Pati sa pagpapakain sa baby ko sya nagdedecide 6months na baby ko pero marunong ako mag alaga ng baby dahil panganay ako sa 7 magkakapatid kami. Kapag sinasabi ko sa asawa ko magbukod na lang kami ayaw nya nagagalit lang sya sakin kasi nag iisa na lang dw magulang nya iiwan nya pa at nag iisang anak lang din kasi sya. Nasa huli talaga pagsisisi :( Enlighten me mga momsh hnd ko talaga alam gagawin ko :(
sakit ng tyan
Naging maselan dn po ba tyan nyo nga sis nung pagkapanganak nyo? Ako kasi pansin kpag kumakain ako ibang prutas tulad saging at pakwan sumasakit tyan ko tapos nag LBM nako . Ilan beses ko na nagawa ganun talaga ayaw tanggapin ng tyan ko. Nung dalaga pa naman ako hnd naman maselan tyan ko eh.
bakuna
Ganyan din po ba list ng bakuna ng babies nyo? At meron din po nadagdag dyan? Salamat sa sasagot.
atm
Mga sis. Ask lang kapag ba 200 na lang balance sa BPI atm magcoclose na po ba account ko nun? Kasi dba po 1000 maintaining balance . Pwede ko pa kaya gamitin yun para mapasahan ng laman ng ibang company? Ganito po atm ko
sabon
Mga sis pwde na ba gumamit ng whitening soap ang breastfeeding nanay. 4months na oo baby ko. Gusto ko po sana ulit gumamit ng kojic oh kaya kahitpapaya soap. Mula kasi nung nagbuntis ako nasanay na ako sa safeguard lang haha.
BF to FM
What to do po 2months na baby ko gusto ko din sya i-formula milk kasi gusto ko hnd sya masanay sa dede ko, na try ko nadin yung wide neck ayaw nya padin. Gusto mix feed sana sya , help po mga sis. Ty
MIL again
Mga sis help naman, my karapatan ba kme bumukod ng asawa ko? Nag iisang anak lang kasi sya at mama na lang dn kasama nya sa buhay, mula nung naikasal kme magkakasama na kme sa bahay nila, nung una ok naman pero nung naisilang ko na baby ko nagkaproblema na kme, sya kasi palagi nasusunod nung una natitiis ko pa pero habang tumatagal hnd ko na kaya, hindi na ko masaya. Maapektuhan dn pagsasama nmen ng asawa ko, sabi pa nya kung bubukod pa kmi hnd namin kakayanin sa hirap ng buhay ngayon, pero kapag naiisip ko sama ng loob ko gustong gusto ko na lumayas sa pamamahay nya, hindi ko sya sinasagot kasi nirerespeto ko sya. Sana may makatulong sa aking desisyon. Dto ako nagtanong dahil alam ko marami magagaling mag advice dto salamat.
mastitis
Hello mga momsh. Na experience nyo na ba mgka mastitis, nakakalagnat po ba yun,? Kahapon kasi namamaga talaga dede ko tapos sobra sakit ulo ko at para akong lalagnatin, then uminom ako paracetamol at hinot compress ko yung part na namamaga, tapos pagka gising ko ok na pakiramdam ko at dun ko naisip na nakakalagnat ata yung mastitis.
MIL
Mga sis pa share ng sama ng loob, kasi hanggang nung nanganak ako last month naiinis na ako sa MIL ko, napaka pakialamera nya sa baby ko mas gusto nya sya ang masusunod sa pag aalaga ko sa baby ko. Nakasiping kme sa iisang bubong kasama asawa ko, nah iisang anak lang kasi sya. Nunh kinasal kme ng asawa ko ang dami nya plano samin, pati pag sahod ng asawa ko sya nag babudget (tama po ba yun kasi ako ang asawa?), kesyo dw sya naman ang talaga nag babudget ng kinakaen nmen, de ako naman si oo kasi nahiya naman ako sa kanya. Pero ngayon na lumabas na baby ko parang hnd ko na kaya mag sunud sunuran pa sa kanya, sobra nako na sstress, nahiya naman ako mag open sa asawa ko kasi baka mas kampihan nya mama nya, unico ijo lang kasi to. Gusto ko na sabihin sa asawa ko na bumukod na lang kme para makakilos ako maayos at matuto kmi sa buhay bilang mag asawa, pkiramdam ko kasi hnd kme matuto hanggat ang MIL ko ang nasusunod, By ths way independent kasi ako mula dalaga pa ako sanay ako magwork malayo at buhayin sarili ko, pero asawa ko sobra dependent sa mama nya, hirap pala kapag hnd kayo magkasundo sa mga gusto nyo. Ano po kaya mainam mga momsh, bubukod na po ba kme? 1month pa lang po baby ko. Help me mga momsh, wala ako mapagsabihan bigat ng nararamdaman ko, ayaw ko magsumbong sa family ko kasi mag aalala sila. Alam ko dto sa apps nato matutulungan nyo ko makapag isip maayos. Salamat advance po.
BDO
Mga momsh, ilan days po inaabot pag open account sa BDO? Gagamitin ko kasi sa mat2 ko. Ty .