Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
Got a bun in the oven
Please help naman po
new mommy po ako 2months na si baby ko, breastfeed po sya kaso ang problema ko parang hindi nabubusog ung baby ko ang konti lang kasi ng gatas ko pagnagpapump ako nasa 2oz lang lagi napapump.. ano po kaya pwedi kong gawin para lumakas ung milk ko?? lagi naman masabaw ulam ko, malakas din ako sa tubig.. may iniinom din ako for lactation pero parang hindi parin dumadami ung milk ko.. sana may makatulong sa akin...
after giving birth
hi mga momshies.. ganon ba talaga po ba pag nanganak ka na hindi na sweet saiyo si hubby?? mula kasi nang manganak ako 2weeks ako parang ang distance ng partner ko sa akin☹️
baby Lotion and baby Powder
mga momshie ask ko lang po, ilang months nyo po niloton at baby powder si baby nyo?? 6days old pa lang ung baby ko
naglilabor na ba?
pag ba may lumabas na, na parang sipon sa pwerta manganganak na po ba mga momshie?? pahelp naman po
Promama
sino po dito nainom ng promama? anong flavor po ang masarap?
Pacifier..
good morning mga momshies,, tanong ko lang.. hindi na po ba advisable ang pacifier sa new born baby?
pumutok na ba ung panubigan
mga momshie.. may lumabas na tubig sa akin medyo marami sya.. hindi naman ako naiihi.. tapos walang amoy ung tubig.. pumutok na na yung panubigan ko?
Feeding bottle
mga momshie.. ano po kaya magandan brand ng feeding bottle at diaper para sa new born baby.. EDD ko is March 4
pahelp naman po
mga momshie.. patulong naman po ung baby ng sister ko ganito ung itlog nya hindi pantay, ano po ibig sabihin pag ganito?
bumuka ang tahi
hi po mga sis, pwede po mag ask sainyo dito, if may naka experience na ba dito sa mga nanganak ng normal na bumuka ang tahi nyo sa pwerta? kasi nanganak ako nung jan 3. tapos for discharge na dapat ako ng jan 7 kaso pag tingin ng OB ko sa tahi ko nakabuka na sya, ang ginawa nila ay tinangal nila ang tahi at nililinis nila araw araw ang sugat ang sabi ng OB ko intayjn daw na mag palit ng bagong tissue ang sugat ko bago tahiin ulit, until now andito padin ako sa hospital para hugasan, it takes time daw para mag palit ang tissue ng sugat, masyado na ako natatagalan sa medical procedure na ginagawa nila if ever ask sana ako ng opinion sainyo kung pwede ko kaya ito ipa second opinion sa ibang hospital? if may experience po kayo ng same sa case ko baka pwede nyo po share kung ano ang ginawa sainyo thanks po.