Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
About my 3month old baby
Share ko lang mga mii 3months na po baby ko pero ganito parin katawan nya, pure breastfed naman ako ever since. Gusto ng mama ko i-formula ko daw para tumaba. Eh sabi ko nga hindi sakitin pag breastfed. Hindi sya mataba pero mahaba naman katawan nya. Any advice naman dyan mga mii. 😩
About Vitamins
Suggest naman po kayo ng magandang vitamins. 3months na baby ko gusto ko palitan na yung tiki-tiki sabi kasi ng kasambahay namin maganda lang daw pang newborn yun. Ok kaya yung Ceelin at Nutrilin drops?
About Binat
Ano po ba pakiramdam ng nabibinat? Kahapon po kasi hapon na ako nakaligo tapos malamig na tubig pa. Ngayon kasi parang nilalagnat ako na nanglalambot na nanghihina, uminom ako ng biogesic kanina tanghali kaya medyo nawala lagnat na pakiramdam ko, same parin sa panlalambot. December 14, 2022 ako nanganak.
40weeks @ December 9
Meron po ba ako katulad dito as of now 39weeks & 3days but still 1cm parin ang cervix? Umiinum naman ako sa evening primrose 3x a day (1000mg), pineapple juice at naglalakad every morning at afternoon. This is my first baby at the age of 32yrs old. May pag-asa pa kaya bumuka cervix ko normally?
37weeks and 5days
Nagpacheck up po ako kanina then IE ng OB ko. Sabi nya close pa daw po cervix ko, ilang weeks po ba nag-oopen ang cervix? Nextweek balik ko sa kanya bale weekly na nya ako IE.
22weeks & 5days Preggy (5months)
Normal lang po ba ang ganitong discharge ko? Light brown po sya. Nakakapag-alala lang. #firstbaby #1stimemom #advicepls