Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
a happy mom of 3 wonderful kids!
breastfeed to formula
Mga mamsh ask ko lang i know na mas maganda talaga ang breastfeed pero kasi babalik na ako sa work so kelangan ko na talaga siya ipure bottlefeed... 3months na un lo ko and mixed sya, formula siya sa umaga then pag gabi sakin siya dumedede kasi mahina ung gatas ko kaya mixed feed na siya. At ngayon babalik nko sa work at tinatry ko na wag na siya padedein sakin sa gabi kaya lng iyak ng iyak at talagang hinahanap niya .. any technique na pwede niyong maishare para po masanay na sya sa bottle nalang pag gabi?
My PCOS Baby
Mga mamsh gusto kong ishare yung journey ko sa 2nd baby ko... pasensya na po medyo mahaba... CRAYE EDD: January 05, 2020 DOB: Nov. 29, 2019 NSD 3kg Regular ang mens ko nung dalaga pa ako hanggang naipanganak ko ung panganay ko when i was 18 yrs old(2012) pa nun walang naging problema until 2 yrs after giving birth sa panganay ko.. biglang di na ako nagkaroon ng regular na menstration , nagpacheck up ako then i was diagnosed with Pcos, so sabi ng ob , need ko magtake ng pills para maging regular ung mens ko but hindi un nangyari until minsan twice a year na lng ako nagkakaroon , then lumalala pa kasi merong isang taon akong di nagkakaroon, di ko na din kasi tinuloy ung pills ko kasi wala namang nangyayari, and kahit na magdiet ako nun, hindi padin ako nagkakaroon... dumating yung time na ipinagdasal ko na si God nalang ang bahala kung kelan niya ibibigay samin. Ung gustong gusto na namin ng asawa ko na magkaroon ulit ng baby kasi lumalaki na ung panganay namin, tapos kada magkakaroon ako after month magppt ako tapos puro negative lang hanggang sa hindi nga ako ngkakaroon so parang hindi na ako nagiisip na mabubuntis pa ako hanggat hindi ako pumayat ng bongga... Then sabi ko nung January 2019, need ko n talaga mgbawas ng timbang , so nung Feb. 2019 i tried yung herbalife na shake then sinunod ko ung mga diet plan na ginawa sa akin ng coach ko after kong maubos ung isang canister, naglose naman ako pero hindi padin ganun kalaki ung nabawas sa timbang ko ... inaasahan ko din na magkakaroon na ako kasi nabawasan n nga ako ng timbang pero hindi padin so ngstop na ako sa shake by March 2019... Then eto na nga by May 12, 7th birthday na ng panganay ko ... Nag out of town kami ng family para magcelebrate ng birthday niya. Dun ko napansin na tulog lang ako ng tulog, na kahit sabihin ng asawa ko na wag matulog kasi para di sya antukin dahil sya ung nagdadrive , di ko padin naiwasan... pero di ko padin naisip na buntis ako kasi di pa nga din ako nagkakamens, akala ko pagod lang ako sa pagprepare... then after mga 2 weeks nun, dumating ung time madalas na akong nahihilo, kaya umabsent na ako sa office, then sabi ko kelangan ko na yata uminom ng gamot kasi nagsama na ung hilo, sakit ng ulo. Hindi kasi ako pala inom ng gamot kapag kaya ko pang tiisin kaya lang that time hilo at sakit ng ulo tapos matutulog ako paggising ganun padin. So nagpacheck up na ako para narin may maipasa akong medcert sa office namin... So the next day nagpacheck ako sa intenal medicine na doctor... tinanong niya kung nagkaroon na ba ako, sabi ko dok may pcos ako eh tsaka 1 yr na akong di nagkakamens. Sabi niya, kahit na, magpt ka para sure at di muna kita bibigyan ng meds kasi baka buntis ka... so ako naman sa isip isip ko , malabo talaga kasi di talaga ako nagkaroon eh, pero sinunod ko nalng din sya para sure at iba na nga din ung hilo na nararamdaman ko... at un nga nagpositive yung pt... :) nung nakita kong 2 lines nakakaiyak sa sobrang saya, lalo na nung nagpatransv na at nakita ko at narinig ang heartbeat niya... Thank you Lord ang nasabi ko... ibinigay niya ung matagal na naming hinihiling... And yes, premature baby siya, based on ultrasound... 34 weeks and 5 daya nung ipinanganak ko sya, hmmmm walang kasi kasi akong ibang basis kasi hindi ako ngkaroon.. so ang sinusunod lng namin nung ob is ung sa ultrasound. Malaki daw kasi si baby kaya napaaga ung labas dahil din sa Gestational diabetes... But thank God she's a healthy 3 month old baby now... :) Ps: kaya mga mamsh don't lose hope. Keep praying and lift everything to God... Ibibigay niya, sa tamang oras at timing... :)
period after giving birth
Mga mamsh ask ko lang kelan kayo nagkaperiod ulit after manganak? Nsd and Mixed feed po si baby...
pusod ni baby
Mga mamsh mag 3 months na si baby nakaangat parin yung pusod niya. Lulubog pa ba yun?
lactum or bonna 0-6
Ano pong mas maganda?
34 weeks and 5 days premature
Hi mga mamsh, pa include naman po yung baby ko sa mga prayers niyo po. Nasa incubator kasi sya ngayon dahil kulang sa buwan , and pag labas niya di naka align ung paa niya ng maayos... Please pray for her po... Salamat po in advance... Name : Craye Uriah Edd : Jan. 5, 2020 Dob : Nov. 29, 2019
NAME FOR BABY GIRL :)
Hi mga mamsh, ask ko lang suggestions niyo for names para sa baby girl, yung hindi sana common. Starting with C and U... Thanks..
SSS
Mga mamsh ask ko lang kasi 24weeks pregnant na ako and employed , di pa kasi ako nakakapagpasa nang mat 1 sa hr namin hanggang ngayon. Sa tingin niyo ba magkakaproblema ako dun sa benefits ko ?
ultrasound
Mga mamsh sa ultrasound result ba kapag di nilagay yung gender does it means na hindi pa sure ? Pero sabi kasi nung sonologist na baby girl daw pero walang nakalagay dun sa print out na result...
girl or boy?
Hi mga mamsh... 22 weeks na si baby, sa tingin niyo boy or girl?