Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
mum of two ❤️
Missed period
Hello mga momsh, delay ako ng 1 wk then nagpt ako 4x iba ibang day (morning), negative naman lahat ng results. Possible ba na kaya delay period ko bc nagpapabreastfeed ako? Kaso mag 2yrs na kong bf e normally nagkakaron naman ako every month, ngayon lang hndi. Tapos nagpavaccine ako last wk, pwede din ba maka affect un kaya nagka hormonal imbalance ako? TIA.
Breastfeeding
Hello, question lang mga momsh. 6 weeks after ko manganak, nagkaregla agad ako. Pure breastfeed ako then yung baby ko is one yr old na. Monthly po ako nagkakaroon pero minsan mahaba ang cycle ko, as in minsan umaabot ng 45 to 50 days bago ko magkaroon ulit. Di pa po kasi ako nakakapagpacheck ulit sa ob, meron kayang something wrong sa akin? Thanks po..
Hello mga mommies, may question lang ako. 6weeks after delivery nagkaroon na ko uli ng period, then napansin ko halos 42 to 50 days bago ko magkaroon uli, ngayon hindi pa din ako nagkakaron, 43 days na lumipas since nung last na nagkaroon ako. Normal lang po ba yun sa mga nagbbreastfeed na nagiging irreg yung period? Ebf po ako. Thanks po! ? PS: Hindi po ako preggy hehe
Miracle Baby @ 33 Weeks ♥️
Anaiah Elisha BW: 1.630kg EDD: March 14, 2020 DOB: Jan 18, 2020 Share ko lang experience ko sa second born ko, sobrang selan ko nung pinagbubuntis ko sya. 6mos pa lang sya sa tummy ko nung nagstart magleak yung amniotic fluid ko, bed rest din ako for 3 weeks tapos pagdating ng Jan 6 this year, inissuehan na ako ng early maternity leave dahil nagopen na agad cervix ko and nag 1cm agad ako @30 weeks. Then last Jan 13, nagleak na ng nagleak yung fluid ko, takbo agad kami ng hubby ko sa ER, tapos konting monitoring then nirefer kami sa ibang hosp since wala daw incubator dun sa hosp na pinagchecheckupan ko. Nung nakalipat na kami dun sa hosp na nirefer, ang sabi ng OB dun is kailangan ko paabutin si baby hanggang 34 weeks kasi kung ilalabas ko sya agad ng 31 - 33 weeks, maliit lang chance na mabuhay sya. Ewan ko ba, naging motivation and cause of stress ko din yung sinabi ng ob sa amin. Then Jan 18, 8pm, hilab na ng hilab tyan ko pero tinitiis ko muna kasi ayoko pa manganak, 33 weeks pa lang kasi sya nun. Tapos inIE ako ng ob then 4cm na agad ako, pinababa ako sa labor room para sana imonitor hbeat and turukan ako ng labor anesth para mapigil yung paglalabor ko since dpa nga sya time para lumabas. After 2hrs, inIE uli ako then 6cm na ako, nagdecide na yung ob na kung magtuloy tuloy man e wala na kaming magagawa, kailangan ko nang ilabas si baby dahil nauubos na din yung water sa loob. Tapos around 2am iniinterview ako ng anesth and ineexplain nya sakin yung ituturok na gamot sa swero ko, tapos hindi ako umiire kaso lumabas na yung half ng ulo ng baby ko, nagmamadali yung mga ob na duty nung time na yun kasi nabitin yung paglabas ni baby. Nung nakalabas na sya, sobrang liit nya lang, para syang tuta na kakapanganak lang. Then nagstay sya sa NICU for 9 days, tapos meron syang gamot na tinuturok sa IV nya worth 28k. Iniisip ko nun okay lang kahit lumaki ng lumaki bill namin basta makasurvive si baby ko. Praise God at hindi sya tinubuhan kahit medyo hirap sya huminga and may mild pneumonia sya. Ngayon nakauwi na kami sa bahay, halos 20 days kamj nagstay sa hosp na yun and yung bill namin umabot ng around 90k+. Sobrang happy lang ako kasi wala talagang makakapagsabi ng buhay ng tao, kahit pa mga expert sila, si Lord pa din ang nagbibigay ng buhay at Siya lang may alam kung hanggang kailan lang tayo sa mundong to. Nakaka amaze lang talaga mga kilos ni Lord lalo na sa mga panahon na hindi inaasahan ??
Contractions and spotting
Hi mga mommies! 22weeks na akong preggy, then siguri mga 2 to 3 days na kong nakakaramdam ng hilab sa tyan tapos maglalast lang sya mga 2 mins then mawawala tapos babalok ulit, then kaninang morning pag gising ko meron akong spotting sa undies kaso tuyo na sya kaninang morning ko lang napansin. Tapos parang ang bigat ng pwerta ko feel ko nakaopen or may nakabara. Tnext ko ung ob ko kaso hndi naman sya nagrereply, paano kaya gagawin and ano kaya tong nararamdaman ko ?
Breastmilk
Hello mga mommies, may aask lang ako. Nagsstart na kasi nagleleak yung milk sa breast ko, 5mos preggy pa lang ako. Pero yung sa panganay ko kasi nagstop ako sa pagbreastfeed sa kanya nung 6mos sya then 2yrs old na sya now. Bakit kaya ganun ang aga ko magkamilk ulit para sa second baby ko? Hehe thanks!
Baby Bump
4mos na kong preggy pero ang liit pa din ng bump ko ? ganun po ba talaga? Yung sa first born ko kasi malaki na yung bump ko nung nag4mos ako ??
Allergic Rhinitis
Hello! Ask ko lang kung ano ba pwedeng gawin para malessen yung rhinitis? Bukod sa lots of water, ano pa kaya pwedeng gawin? Hirap kasi e huhu ?
Milk
May masusuggest po ba kayo na ibang milk na hindi matamis? Yung milk kasi ng baby ko S26 mula nung baby hanggang ngayong 2yrs old na sya. Ano pa ba ibang milk na kalasa ng s26? Thanks! ☺️
Morning Sickness
Hi, 8wks preggy pa lang ako with my second born. Ask ko lang kung ano ba mga dapat gawin para mabawasan yung morning sickness and yung pagiging maselan? Super selan ko kasi lalo na sa food, madalas sinusuka ko lang din mga kinakain ko and sobrang pili lang yung mga pagkain na tinatanggap ng katawan ko. Naaawa naman ako sa bb kasi baka wala na syang nutrients na nakukuha. Tsaka nahihirapan ako pumasok sa work kasi lagi ako hilo pag umaga tsaka parang gusto ko pa matulog and lagi ako nagsusuka. Ngayon lang ako ganito kasi yung panganay ko hindi naman ako hirap magbuntis, thankyou mommies!