Clingy baby

Is this normal behavior ng 1mnth old baby? As in ayaw nya na magpalapag, kapag ilalapag nagigising siya. 3nights na akong natutulog ng medyo nakaupo kasi nakapatong lang siya sakin at ayaw magpalapag nighttime man or daytime. Kahit basics na gawain di ko na magawa, kahit nagwowork ako eh buhat ko siya. Kapag gising lang siya at maganda ang mood saka ko lang siya nailalapag. Ano po kaya magandang gawin para kahit papano eh makakilos pa din ako ng maayos na buhat siya? Pls pa advice naman po salamat. #FTM #clingybaby #plsadvice

Clingy baby
9 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

1 month palang nman po si baby , ganyan po tlga yan sila . baka po hnahanap hanap nya ung amoy nyo ska ung init ng katawan nyo kaya po mas komportable sya . try nyo po na sabay kau hhiga tapos unti untiin nyo na ilapag tapos siksikin nyo sya ng unan sa mga gilid nya pagkalapag . magbabago pa po mga routine ska habit nya katagalan .

Đọc thêm

ganyan din po baby ko pagtulog ayaw palapag gusto nakadapa lang sakin pag binaba nagigising at umiiyak. after naman matulog at maganda gising at hindi umiyak doon ko lang siya malapag matagal naglalaro lang siya. kaya mas nakakakilos ako malapit sa kanya pag gising siya ng nakalapag at hindi umiiyak basta nakatanaw ako sa kanya

Đọc thêm

same mamsh. may mga araw na clingy din si baby. 1 month na din sya. di din ako makakilos halos buong araw kasi ayaw palapag. hindi makapagalmusal at tanghalian pati ligo😅 mga hapon na sya magpapalapag. 3pm ganyan😂tsaka na lang ako makakakilos nun😂

Ganyan po baby ko nung 1month sya, sabi po ng midwife ko is mas gusto pa daw kasi ng baby yung init ng katawan ng nanay. 🤗 Ngayon going 2 months n sya nalalapag ko naman na sya pag tulog na. ♥️

1 month na rin ang baby ko pero may time during the day na gusto magpakarga lang at kapag nilapag xa ay nagigising. Tulad ng sabi na magbabago p nmn ang routine ni baby.

ganyan din si baby ko mii 2 months na nga siya ngayon pero sobrang clingy pero minsan nakikisama nman siya pa iba iba prn tlaga wala pang pattern ang tulog nila.

normal po yan.. challenging talaga newborn phase try nyo po duyan or baby wrap

ganyan din baby q momshie😅

same tayo mamshie. ☺