Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
Queen of 1 naughty cub
Pagsusubo Ng Kamay
Hi momshies, turning 8 months na si lo at nagsusubo po sya palagi ng kamay. Habit na nya at pampatulog nya ang kamay nya. Sabi ng matatanda dito samin wag daw sanayin pero ayaw paawat ni lo. Tinry ko na mag offer ng pacifier pero ayaw nya teether naman tinatapon nya pagsawa na sya at mas gusto nya talaga kamay nya. Nagagalit naman sya kapag nilalagyan ko ng mittens. Ano kaya dapat kong gawin? Salamat sa makakapansin
Relactation
Any tips on how to relactate? 3months ago since I stop breastfeeding
Need Your Advice
Mga mosh pahelp naman magdecide, kasi si LO ko nasa biyenan ko sa province e may konti di pagkakaunawaan na naging issue o madaling salita e lumaki dahil sa sawsawerang hipag ko at tiyahin ng asawa ko. Sumama ang loob ng biyenan ko sakin ngayon ang best way na naisip ko is kunin nalang ung bata 3months old palang sya. Balak ko dalhin nalang dto sa manila para nasa puder namin sya pero need ko magstop sa work para mabantayan sya. Ayaw kasi ng mr ko na kumuha kami ng yaya kaya need ko mag sacrifice. Ano po kaya sa tingin nyo dapat ko ba ituloy ung plan ko tutal may kakayanan naman kami bumukod nagwwork lang ako para makaipon kami at magkaron ng sariling bahay or makipag ayos nalang ako sa side ng asawa ko para sa bata at icontinue ko nalang magwork kahit malayo ako sa anak ko? Salamat po sa sasagot
Parenting Problems
Hi momshies meron ba fito same sa case ko? Wala naman sana sagabal sa pagiging ina ko kung wala nakikialam sa pag aalaga natin sa anak natin. Ung tiyahin kasi ng asawa ko saka kapatid nya masyado nakikialam, una k8nekweston nila bakit daw nestogen lang gatas ng anak ko e mapera naman daw kami mag asawa? Ang sagot ko un kasi ang hiyang sa kanya, nagtry naman kami ng mamahaling gatas kaso wala naman pagbabago sa timbang ng anak ko. Then sa vitamins sabi nila itiki tiki ko raw para maging magana wag daw sa doktor lagi makinig kasi minsan nagkakamali raw sila, so ayun pinalitan ko vitamins at nagtiki tiki na si LO. Kaso nagtae sya, every dede nya nagpoop sya ng may mocus, inobserbahan ko if magiging iyakin, nd naman. Lumakas ang appetite nya which is good. Pero one time nung lumuwas ako bigla sila nagdecide na painumin ng iba milk ang anak ko without my permission, buti nakarating ako agad kundi baka napainom na nila. Then I said no kasi nd naman kako dahil sa gatas kaya nagtatae aba minasama pa nila at kinatwiran paano raw pagnadehydrate? Tutal ako naman daw ang ina edi bahala raw ako at nag walk out ang tiyahin ng asawa ko. Ngayon pinalampas ko un, weeks past then may nakita ako post sa fb na tungkol sa parenting na wag diktahan o pigilan tayo maging magulang sa anak natin at irespeto. Shinare ko un at may caption ako about sa exp ko, wala ako binanggit na name pero apektado ung tiyahin ng asawa ko kaya kagad nyang pinabasa sa biyenan ko na ikinasama ng loob nya. Advice naman po please kasi mukhang sumama loob ng biyenan ko sakin, she thought na pinapatamaan ko sila pero di naman un ang intention ko ang sakin lang opinion ko lang naman un.
Vitamins
Mga Mommies ano kya vitamins ang good for my baby? Nutrilin gamit nya ngayon kaso ang hirap nya painumin kasi sinusuka nya or niluluwa. Nag ask na rin ako sa pedia at nagreseta sya ng TLC, tinikmak ko masarap naman ang lasa, ganun pa rin sinusuka at niluluwa nya. Kya hinahalo ko nalang sa milk nya ang hirap eh. Kahit gamot ganun din sya. Any suggestions?
Poop
Hi Mommies 2months old na si LO normal lang ba ung hindi sya magpoop ng buong araw? Kahapon kasi di sya ng poop maghapon. Masigla naman sya at mahimbing matulog kaso iyak sya ng iyak kagabi, madaling araw na sya tumahan at natulog
Formula
Hi Mommies,share ko lang, si baby kasi medyo humina magdede 2months na sya 4-5x nalang sya magdede ngayon sa umaga then 3x sa gabi, gusto nya tulog lang ng tulog nagagalit kapag pinipilot ko sya magdede. Normal lang ba un sa age nya?
Baby
Ask lang momshies si LO kasi utot ng utot tapos pag nakakaramdam sya na nauutot sya iiyak then after nya makautot normal na parang walang nangyari. Ganun din kahit tulog sya kya nagugulat ako bakit umiiyak akala ko nakagat na ng insekto or what. Normal lang ba yun?
Contraceptive
Hi momshies ano pinaka effective na contraceptive? Any suggestions ? TIA
Pregnant
Hi Mommies ask ko lang since di pa ako nireregla 2months after giving birth. Possible ba na mabuntis agad kasi nag do kami ni mr no contraceptive at feeling ko kahit nagwidrawal sya e may naiwan sa loob. Mabubuntis kaya ako? Salamat sa sasagot