Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
Tongue and Gum Cleaning
Hi mommies, ask lang po pwede ko na po bang linisin ang dila at gums ni baby? 20 days old palang po siya. Tska ano po pwede gamitin? Pwede po ba ko gumamit ng mga baby tongue cleaner? Thanks
Normal Delivery Tips
Hi mommies, I'm 25 weeks pregnant sa 2nd daughter ko. Sobrang selan ko ngayon magbuntis compared sa first daughter ko. Laging nasakit ang puson ko at balakang. Nainom din ako ng pampakapit. Ilang months na kong nakabed rest or pahinga talaga sa bahay at bihira lang lumabas. Though nakilos naman ako sa bahay. Household chores pero light lang talaga, dahil sobrang concern din ni hubby kasi nga maselan ako magbuntis. Ngayon nagspotting ako nung Dec. 25, lalo tuloy ako pinagbed rest, as in bed rest, todo bantay si hubby sakin at ayaw niya ko pakilusin. Ako naman, as mommy na syempre di din natin maiwasan gumalaw galaw talaga lalo na't may anak kami at ayoko din naman lagi nakahiga. Any tips para maging normal ung delivery ko? Kelan ako magstart maglakad lakad at exercise??
Hi mommies
I'm 24 weeks pregnant sa 2nd baby ko. Pwede ako magpalit ng OB?
SSS Maternity Benefits
Hi mommies, ask ko lang po kung makakapagavail pa po ba ko ng maternity benefits. Last hulog ko po sa SSS ay 2019 pa po. Since then di na po ako nakakapaghulog.
Maselan pagbubuntis Tips
Hi mommies, I am 20 weeks pregnant and sobrang maselan ako magbuntis, yung tipong konting lakad lang nananakit na yung balakang at puson ko kaya pinapainom ako ni OB ng pampakapit. This is my 2nd pregnancy BTW, yung 1st ko naman is hindi maselan kahit na makipagbalyahan pa ko sa bus or sa jeep wapake kasi kaya ko naman. Ngayon lang talaga na kahit magpapacheck up lang kami or babyahe kami kasama family na di naman kalayuan e nasakit talaga ang balakang at puson. Ang winoworry ko ngayon pano kaya yung delivery ng baby ko nito. Gustong gusto kasi talaga magnormal delivery kahit anong mangyari push ako sa normal delivery kaso simpleng lakad or exercise di ako pwede. Any tips na marerecommend nio? Especially sa mga mommies na katulad ko na maselan din.
Green Card Las Pinas
Hi mommies, tanong ko lang pano po process ng renewal ng green card sa las pinas? Meron po ba dito nakapagtry na magrenew. 2018 po yung green card ko di na po narenew. Same lang po ba nung sa post nila sa fb? Or need po talaga magpacheck up sa lying ng las pinas para po mabigyan ng pink daw na slip? Maselan po kasi pag bubuntis ko kaya hirap magpunta punta or magpacheck up sa ibat iba. May ob naman na po ako sa LPDH pero need po ba ng may check up pa sa lying in para lang marenew?
Beef Liver
Okay lang ba kumain ng beef liver ang buntis? 13 weeks pregnant po.
Hot Sitz Bath
Mga mommies, ask ko lang po sa mga nakaexperience na ng almoranas during pregnancy. Advise po sakin ni doc. Ask ko lang po kung pano po yung procedure? Sa may arinola ko lang po kasi siya gagawin. Sasayad po ba dapat ung pwet sa warm water? Or parang papausukan lang yung pwet? Di ko po kasi alam kung tama yung gnagawa ko.
Pagsusuka at kawalang gana kumain tuwing gabi.
Normal lang po ba tuwing gabi lang nakakaramdam ng pagsusuka at kawalang gana kumain? Nakakaalarma po kasi tuwing gabi parang lahat ng kainin ko isusuka ko. Kaya paminsan konti lang ang nakakain sa gabi tapos pag dating naman ng midnight dun na ko nagugutom.
Maternity Milk
Hello. Gusto ko lang po magtanong. nagpaultrasound po ako last August 5, dahil delayed na po ng ilang days ang period ko at nagpregnancy test po ako , twice both positive po. Nung nagultrasound po ako As per OB Sonologist po. VIABLE PREGNANCY daw po ako. Sabi naman po ng OB-Gyn ko nung niread niya yung result NON VIABLE naman daw po. Ang nakalagay po kasi sa Ultrasound Report is Early Intrauterine Pregnancy, Less than 5 weeks age of Gestation. No embryo and No yolk sac seen yet. Ngayon po nagbabasa basa po ako sa mga site ng mga do's and don'ts. Base naman po sa mga nabasa ko "as soon as you realize na pregnant" e need na daw po uminom ng maternity milk. Ang kaso po di naman po ako sinabihan ng OB ko na uminom na ng milk. Ang iniisip ko po kasi baka dahil sinabi niya na non viable ung pregnancy ko kaya di pa niya ko inadvisan na bumili. 7 weeks pregnant na po ako ngayon. Okay lang po ba un na wala pa din ako milk?