shai profile icon
Kim cươngKim cương

shai, Philippines

Contributor

Giới thiệu shai

Proud Mommy of a bouncing baby Boy❣

Bài đăng(15)
Trả lời(151)
Bài viết(0)

TEAM AUGUST

TransV: July 31, 2020 Lmp: August 5, 2020 Second utz: August 8, 2020 DOB: August 07, 2020 via NSD induce labor 2.5 kg Hi there mga mommy! Gusto ko lang sana magshare ng update para sa mga team August dyan 👋. Long post ahead hehe. From 1st to last ultrasound okay naman po lahat ng result at healthy si baby, nakaposition na rin. Pinapabalik kami sa clinic for another check up nung august 05 kapag wala pa raw sign of labor. August 06 na ako nakabalik at doon nakita na nawawalan na pala ng tubig si baby at pag ie saakin 4cm na. Tinurukan ako ng buscopan bago pinauwi at sinabing babalik daw ng 4pm for admission na. Induce labor na raw ako dahil baka maover due si baby kung aantayin ko pa ang natural labor. Pinahilot muna ako para daw iayos ang bata at madaling lumabas. 4pm bumalik kami at still 4cm pa rin until 7pm walang pagbabago. Pero that time humihilab na yung tyan ko pero nawawala rin. At 10 pm nakakatawa pa ako nakikipagkulitan pa. Sinubukan kong matulog at 11 pm pero merong time na humihilab na pero tolerable pa. Pass 12 am August 07, 2-5 minutes na yung interval nung paghilab at sobrang sakit na. Sinabayan na pa ng pagsusuka ko ng limang beses habang humihilab ng todo ang tyan ko. Yung sobrang sakit na parang hindi ko kayang isabay ang pag ire sa paghilab. At 1:40 am ie ulit ako after nun proceed to D.R na daw. Tinuruan ako ng nurse na kada hilab raw ire ko ng mahaba at wag babawiin agad dahil baka babalik yung ulo ni baby. Sooooobrang sakit mga mommy na napasabi pa ako ng 'Hindi ko na po kaya' pero thankyou sa dalawang nurse na nagpaanak saakin dahil nakasupport lang sila like 'ang galing nyang umire oh' 'sige maam konti nalang makikita mo na si baby' nakikita na namin yung buhok nya' mga ganun hanggang sa final wave na sooobrang sakit na at lumabas na si baby. Hindi ko na rin naramdamang hiniwa pala ako. Naramdaman ko nalang nung tinatahi na pala masakit pero iniisip ko wala ng mas sasakit pa sa labor 😂. Pero worth it lahat ng pain at paghihintay dahil healthy na lumabas si baby at napakacute nya 💙 To all mama's out there I highly advise po na magpacheck up po kayo at 40 weeks na wala pa kayong sign of labor coz your OB really knows best at para rin po sa inyo yun ni baby.

Đọc thêm
TEAM AUGUST
Super Mom
 profile icon
Viết phản hồi