Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
Baby on board! ✈️
May 5CM solid mass "myoma" at 22 weeks
Hello momshies. Sobrang na worried ako. Related ito sa last na ultrasound ko na may nakitang solid mass. Nung pinabasa ko sa OB nasa 5cm na pala myoma ko. Buti outside lang sa sa kinalalagyan ni Baby. Pero I am monitored by my OB and required to do another ultrasound in a month to see if mabilis syang lumalaki. From then, my OB will decide and we will change our plan sa delivery. Sobra ang iyak ko mga momsh pagdating sa bahay. Kasi healthy ang baby ko base sa CAS. Kaya lang dahil sa myoma, nabanggit ni Doc na magbabase ang changes sa delivery. Kung sobrang bilis lumaki baka earlier ako ipaanak. Ayokong mging preterm baby ko. Sobrang natatakot ako huhuhu. Anyone here my same experience ? May dapat ba akong ikabahala?
Ano ang safe inumin na gamot sa ubo?
Hello momshies, may ubo ako ngayon mag dadalawang araw na. Ano ang safe inumin na gamot?
May nakitang MASS sa left side ng puson.
Hello momshies. Kanina ay nagpa Pelvis Ultrasound ako at CAS. Super thankful kasi okay lahat ang findings ni baby. Pero kanina may nakita ang nagultrasound sakin na mass pero outside naman sa kinalalagyan ni baby. Tinanong niya ako if masakit, wala namang masakit kahit idiin pa nya yung pang ultrasound sa may tagiliran ng puson. Sabi nya bumalik nalang ako after manganak para e check if anjan pa rin ba . Dadalhin ko sana sa OB ko ang result kanina pero may convention sya for 1 week kaya next week ko pa maa-ask regarding sa mass if dapat ko ba ikabahala. Gusto ko lang din e ask para somehow mapanatag naman ako. Meron ba sa inyo mga momsh ang naka experience nito? Ano ang advise sa inyo? Dapat ba itong ikabahala? Salamat po
Pwede ba lovemaking sa buntis?
Hi po mga mommies.. medyo nakakahiya itong itanong pero I hope na may mag sshare ng experience. This is my first pregnancy po kaya curious sa mga bagay2. Yung husband ko kasi ay OFW tas uuwi sya ng Pinas in a month kasi mag ggender reveal kami. I'm in 20 weeks now, syempre malayo kami so pag uwi nya baka humiling ng luv making haha. Okay lang po ba yun sa buntis? Plan ko e ask ito sa OB ko sa checkup ko next week. Pero just wanna know lang po yung comment nyo dito hehe. Thanks
How to avoid stretchmarks
Has anyone of you here gumamit ng ganitong combo? Is this effective po? I'm 19weeks na po. I am currently using Skin Elasticity Oil from Buds and Blooms but napapansin ko lagi nang nangangati ang boobs ko these past few days, di din naman ganto nung mga first week kong ginamit. Right now naghahanap lang ako ng ibang products na maari kong ipalit. Thanks po sa mga sasagot.
Daling Mangalay ang balakang
Hello po, I am 15 weeks and 5 days pregnant. Ask ko lang po if normal ba na pag natayo ng couple of minutes o umupo ay nangangalay ang balakang nnyo at minsan mabigat sa pakiramdam ang puson, minsan din masakit ang likod? I am a first time mom po kaya minsan napaparanoid baka may something wrong hehe.
BEST LOTION, SOAP, AND OINTMENT FOR MOMMIES?
Hello, may I ask what's your reco for lotion,soap,and yung pang ointment or oil products that we could apply to our tummy and boobies? Hehe medyo nangangati minsan. Worries baka magkastretchmarks. Thank you po
SEVERE HEADACHE
9 weeks na po ako and last night po sumakit bigla yung ulo ko. Hapon pa sya nung nagstart at tumagal sya hanggang madaling araw na 2AM nalang hindi ako makatulog sa sakit. Right side lang sumasakit. Napuyat ako kasi pabangon2 ako at di ko maintindihan ang sakit. Takot din akong uminom ng gamot. 1st pregnancy ko kasi kaya medyo takot ako uminom ng paracetamol. Hanggang sa nakatulog na ako. Kayo rin ba nakararanas ng severe headache?
Heartburn and Insomnia at 8 Weeks.
Normal po ba ito? Naka experience din ba kayo ng ganito? 3 nights na akong hirap makatulog. Kahit di ako nakatulog maghapon, hirap pa din magsleep sa gabi.