May 5CM solid mass "myoma" at 22 weeks

Hello momshies. Sobrang na worried ako. Related ito sa last na ultrasound ko na may nakitang solid mass. Nung pinabasa ko sa OB nasa 5cm na pala myoma ko. Buti outside lang sa sa kinalalagyan ni Baby. Pero I am monitored by my OB and required to do another ultrasound in a month to see if mabilis syang lumalaki. From then, my OB will decide and we will change our plan sa delivery. Sobra ang iyak ko mga momsh pagdating sa bahay. Kasi healthy ang baby ko base sa CAS. Kaya lang dahil sa myoma, nabanggit ni Doc na magbabase ang changes sa delivery. Kung sobrang bilis lumaki baka earlier ako ipaanak. Ayokong mging preterm baby ko. Sobrang natatakot ako huhuhu. Anyone here my same experience ? May dapat ba akong ikabahala?

5 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Hi momshie, naiintindihan ko po ang pag-aalala mo, at normal lang talagang mag-alala sa ganitong sitwasyon. Ang myoma po ay karaniwang benign (hindi cancerous) na bukol na tumutubo sa uterus, at kadalasan ay hindi naman nagdudulot ng seryosong panganib sa pregnancy, lalo na kung ito ay nasa labas ng kinalalagyan ni baby, tulad ng sa iyong kaso. Importanteng sinusubaybayan ng iyong OB ang myoma, kaya't ang regular na ultrasounds at monitoring ay makakatulong upang makita kung may pagbabago sa laki nito.

Đọc thêm