#MagandangGabi Share ko lng, nung time na buntis ako. Kasagsagan ng unang buwan ng pandemic last year 2020, nalockdown ako sa bahay ng bf ko buntis nako nun 2months. Part sila ng Bulacan, medyo mabukid at may bakanteng lupa sa likod bahay nila na may matataas na damo. May bagong lipat sa tabi naming bahay dahil nga pandemic at pinaalis daw sila sa dati nilang bahay, dalawa lng sila tatay at isang batang babae na 7yo. Naiiwan palagi yung bata sakanila mula 8 ng umaga tapos makakauwi tatay nya ng 8 na din ng gabi dahil nagwowork. Simula lumipat sila palagi nalang maingay sa bubong namin, kahit walang katao tao at wala rin naman kami pusa kaya nakakapagtaka, 2months din tumagal yun. And everytime na may ingay sa bubong lagi akong binabangungot at sa bangungot na yun is may batang babae na palaging nakatitig lang sakin palapit ng palapit mukha nya kada gabi na mapapaniginipan ko sya. And yung pinaka matindi, katabi ko na sya wala syang mukha at tumatawa na parang boses ng lalaki na may kasamang nginig tapos may binabanggit sya na salita na hindi ko maintindihan, parang latin or kung ano mang salita yun. Kinabukasan nun 3days straight akong dinugo, at nalaman namin umalis na rin yung mag ama na bagong lipat sa tabi namin. Nung nawala sila nawala na rin yung ingay gabi gabi. And thank God, wala naman nangyari sa baby ko kahit dinugo ako. Nakakatakot lang na pangyayari dahil hindi maipaliwanag kung ano ba talaga at naranasan ko yun. Coincident nga ba or may kababalaghan talaga?
Đọc thêmHi mommies, ask ko lng po kung naka ilang take kayo ng primrose bago umepekto? I'm currently 38weeks and 5days and pang 5 day ko na umiinom pero parang wala parin effect sakin wala parin kasing kahit anong sign of labor. Nag eexercise naman ako and lakad lakad, squat pati pineapple juice umiinom ako. Gusto ko na kasi makaraos, sana may makapansin. Thankyou mommies in advance sa sasagot 😊 #1stimemom #advicepls #firstbaby
Đọc thêmHi mga mommies, ask ko lang kng ano pa pong ibang need na vaccine bukod sa TD1&2 tsaka flu vaccine? Kasi may sinasabi po ulit ob ko na bagong ibabakuna sakin pero di naman nya inexplain kng ano. 30weeks 5days na po ako. Dko po maask sakanya kasi matagal pa po ulit nxt check up ko. Salamat po sa sasagot 😊#1stimemom
Đọc thêm