Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
Milk Formula
Hi mga moms, magtatanong lang po. Pwede kaya ituloy ang milk formula 1 hanggang 12 months? 7mos na si baby ko, nag start na rin ako magbigay ng solid foods, mashed. Minsan bread. Nagpalit ako ng formula niya noong nag 6mos siya kaso nagpopopo siya maya maya bawat inom niya. Na- discourage nako tumingin ng ibang milk brands since budgeted talaga bawat cents. Sa feeding table ng formula nakalagay hanggang 10mos onwards, naisip ko ituloy hanggang 12 mos nya. Meron po ba dito same case at ne- recommend ba siya ng doctor nyo? Pls pa- share ng opinion nyo 🙏
Bubbles Bubbles
Si baby ko parang may pabrika ng sabon sa katawan, laging may bubbles bubbles kasi sa bibig, kung hindi tulo laway puro bubbles. Bakit po kaya ganun? 3mos na sya mahigit pero mag 3 pa lang pansin ko na po yan, naisip ko nun una baka maaga siya mag ngingipin. May nabasa akong article sign daw ng down syndrome pero diba po malalaman naman sa born screening yun? Puro naman negative result ng nbs nya. Hays di ako mapalagay, kahit nag browse na ko sa google di ako makahanap ng sagot na nakapapanatag mg loob. Meron po ba sainyo dito same sa baby ko, normal lang po ba?
H A I R D O
Pwede na po kaya magpa rebond o kaya magpa kulay? 2 months and 18 days na. May hair fall ako 1 week na siguro mahigit. Lakas makatanda pusod hair lagi kahit katutuyo lang ng buhok plus puyat 🧟♀️🥴😔
Heartbeat ni Baby
Exactly 34 weeks ngayon, pero before pa siguro mag 30 weeks or nasa ganun na, may nararamdaman akong pumipintig sa bandang left side ko sa baba syempre kung saan pwede nandoon ang heart ni baby. Noong una kapag tatagilid ako left side masaya ako kasi ramdam ko sya at katagalan di lang likot ng kamay o paa, may pintig din. In-obserbahan ko 1 week din siguro, pintig talaga sya e kaya di na ko masyado tumatagild kapag ganun sya kasi inisip ko baka nahirapan sya. Pero ngayon kahit di na ako tumatagilid may time na pumipintig sya. Sa Monday check-up ko na magtatanong talaga ako pero di na ako makapaghintay nag aalala kasi ako kung normal lang ba to, ang alam ko kasi need pa ng aparato para maramdaman ang tibok ng puso ng baby sa loob. Pls meron ba dito same case? O may alam kung normal lang ba yun? Pls share nyo naman idea nyo, worried mom talaga ako 🥺
Pimples 😥
Pa-help kulang na lang 2 legs ko tubuan din. Super gaspang na magkabilang pisngi. Makati at masakit ung iba. Bawal na daw gumamit ng pang pimple products, parang ayaw ko na tuloy mag buntis. Hirap ako sa first 2mos ko sa paglihi, ngayon naman nakakapangit na talaga dahil sa pimples 😭😭😭