Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
Excited to become a mum
TEAM OCTOBER
Mga mommy sino po team October dito? Share po if ano ano na mga symptoms nyo or any update po sa inyo. Saken ang lala pa din ng food aversion ko pag nakakain ayoko naiiwan ung lasa ng food s bibig ko nasusuka ako. Though hindi naman talaga ako sumusuka yung pakiramdam na naduduwal talaga.
Team July! 39weeks and 2days.
Sharing my birth story EDD: July 10,2020 DOB: July 05,2020 Hi finally nakaraos din at exact 39 weeks and 2days. July 3 check up ko sa OB but still close cervix pa din ako, pagka IE nya saken close but soft na cervix ko. So niresetahan nya ko eveprim rose 1000mg 3pcs.capsule isalpak sa pwerta every 8 hours for 2 days. Start ako 3pm ng july 3 maglagay sa pwerta 3pcs. Then nasundan ng 11pm ng gabi 3pcs. Ulet. Bago ako maglagay ng eveprim ng gabi nag akyat panaog muna ako, mga 10x sa hagdan from 1st to 3rd floor. Then ill do some deep squats and exercise na napanood ko sa youtube how to induce labor naturally. After that nilagay ko na ung eveprim sa pwerta ko 3pcs. Actually nagpatulong pa ko sa hubby ko kse need daw sa pinakadulo maisalpak ung capsule. Then hindi na ko tumayo nag sleep na ko. I woke up 6am para sana sundan ng 3 capsule ulet mga 7am. Pero after ko mg breakfast tinamad na ko maglagay nakatulog na ulet ako, nagising ako 12pm ng July 4, muni muni, nagpray at kinausap si baby na gusto ko ng makaraos. 12:30pm pagbangon ko may nagleleak na water sa pwerta ko hindi sya wiwi kse hindi ko nman napipigilan, pagcheck ko mejo light brown ung color, i texted my OB then sabi nga observed ko pag nasundan go the ER na. After 30mins. Nasundan na nman ng leakage this time mas marami sya nabasa ung shorts ko. Kaya go na kame sa hospital pagdating ko duon, 4cm na ko pero okay pa nman water bag ko kase matubig ako. So nothing to worry. Active labor na ko kaya i was admitted na din. Then naging 5cm, 7cm, 10cm ng 3am ng july 5. Wala ako nramdaman na pain until nag reach ng 10cm nung sinabi saken ng resident doctor ng OB ko na i was 10cm fully dilated at pinaiire nya ko dun lang ako umire ng bongga kaya lang walang hilab masyado ung pain na ineexpect ko na sobrang sakit mag labor kaya wala akong urge na umire ng bongga. Pero from monitor moderate to strong na ang contractions ko baka mataas lang daw pain tolerance ko, nag pray talaga ako at kinausap ko si baby na wag ako pahirapan. So meron sila ininject sa swero ko para deredretso na ang hilab ng tiyan ko dun ko nramdaman ung pain na need ko na magpupu umikot hanggang balakang pero tolerable pa saken. Kaya umire na ko, 3am ko masasabi start ng active labor ko. Pero ung pain ko sa pwerta un ang greatest fear ko, kaya nung naramdaman ko ung ulo ni baby sa pwerta ko malapit na nagpa epdiural na ko kase nanghihina na din ako kaka ire. 😅 at exact 5:21am if July 5,2020 my baby is out na. Grabe sobrang worth it lahat ung ire ko, 2 hours active labor ko then finally nakita ko na ang baby boy ko. Hindi ko na naramdaman ang tahi ko 2nd degree pala. Nung nag tear off ang anesthesia dun ko lang nramdaman ung pain. Mas masakit pa sa labor at pag-ire ung pain nang tahi ko. 😓😅 July 6 umuwi na kame ni baby discharge agad pra less exposure sa hospital. By the way nagpa private ako kase gusto ko talaga magpa painless un ang request ko sa OB ko. Worth it naman ang private kase monitored ka nila at ung baby mo na cord coil pala si baby kaya pala natagalan sya lumabas kse nahihila sya paloob buti na lang talaga mabait si LORD hindi nya hinayaan na may mangyari sa anak ko, walang impossible sa DIYOS basta tawagin at manampalataya ka lang sa kanya. 7.6 pounds si baby and Normal Delivery. Thanks be to GOD. ☝️kaya nga mommies always pray bend nyo lahat sa LORD ang mga fear and anxiety nyo magtiwala kayo sa kanya di nya kayo pababayaan. At palagi makipag usap kay baby it will help. ❤ Goodluck and GODBLESS to all pregnant women. 🤰❤☝️
Mahapdi na pwerta
Mga mommies, normal ba na mahapdi at masakit ang pwerta pagkatapos pasakan ng eveprim rose? Suggest kase ng OB ko 3 capsules daw ipapasok e. Nung naipasok ko na po lahat mejo mahapdi at masakit ung pwerta ko. Kaya worried ako. 39 weeks and 1 day pregnant na po ako. Sana po may makapansin salamat.
Eveprim Rose. at 39weeks
Hi mga mumshie sino po dto niresetahan ng eveprim rose sabi ng OB ko 3pcs.daw po sa pwerta ipapasok every 8 hours. Sino po nakaranas ng ganun? Ano po naramdaman nyo? Mabilis po ba kayo nag labor or nag ooen po ba ung cervix nyo?
Sino po nanganak dito sa OLLH? Our Lady of Lourdes Hospital?
Tanong ko lang mga mommy kung meron bang recently na nanganak dto sa OLLH? Magkano po inabot ng bill nyo for normal and CS delivery? Sabi kse sagot ng patient ung PPE ng gagamitin ng mga doctor duon e.
Ano mabisa pampa open ng cervix? Mababa na po ba ang tiyan ko?
Ask ko lang kung mababa na po ba? O mataas pa din po? Close cervix pa din ako pero masakit na singit at pwerta ko prang may malalaglag. Naglalakad, nag squat, kumain na din ako ng pinya, uminom ng pine apple juice at chuckie. Ano po mabisang pampa open ng cervix?
35 weeks. Mabigat na singit at masakit na pepe
Normal po ba na masakit at mabigat na ang pwerta at singit kapag bumabangon at naglalakad?
CAS during ECQ.
Hi mga mummy share ko lang on going pa din ang ultrasound sa New World Diagnostic clinic. Sa makati branch ako nakapunta. Sa panahon ngayon hirap makahanap ng Laboratory na open. 1,900 ang CAS utz nila plus doctor's fee na 200 all in 2,100 lahat. 7am to 4pm ang open ng clinic nila, maghapon din si OB-Sono duon, pero agahan nyo punta dahil ang dami pregnant mummy nagpapa utz. Nagcacut-off sila ng 3pm ung iba kse ang tagal i utz e. Malinis ung clinic, very secured ung place. And malawak din ang parking. Mas mura sya compared sa mga hospital. Atlast nawala ang mga worries ko healthy and normal si baby. Thankyou LORD lalo na answered prayer po kame we will having a baby boy. Nakaka overwhelmed lang. So ingat mga mummy make sure na wear ur facemask kpag lalabas kayo and dala kayo ng hand sanitizer or alcohol most important protection is prayer. Pray tayo always. Malalagpasan naten lahat to.
ULTRASOUND
Hi mga mummys ask ko lang sino po dto nakapag pa ultrasound na kahit naka ECQ tayo. Extended na nman ang ECQ hindi pa ko nakakapagpa ultrasound halos lahat ng laboratory dto samin sarado. Please let me know. thankyou. Im currently 29 weeks and 2 days.