Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
Mommy Of A Grape
MY BABY HAS A DIARRHEA?
My baby is 4 mos old. Suspected diarrhea. Runny poop. Yesterday she pooped 4x. Malakas po sya mag dede pa din. No fever. Pls help. Im so worried. Thank you
SUKAT NG MILK FOR BABY
Hi momies. Ask ko lang po. How many oz ang normal na iconsume ni baby po? For 2mos old? Thank you. Si baby ko po kasi, 3oz for every 2-3hrs? Tama po kaya yon? Thank you
Anong Problema ni Baby?
Hi mga momshie. Anyone po na same case with my baby - often vomit after feed (halos maubos yung dinede nya) - laging naiyak (parang iritable) - hirap huminga (esp. sa ac room) Formula fed po ako since birth nya. 2mos old na po si baby. FTM po.
Nocturnal BABY
Momsh please help. FTM here. Normal ba kay baby na tulog sya ng araw tapos mag liligalig sya ng madaling araw? 😭 Ang hirap magpatahan. Hindi mo alam bat naiyak. Hinahanap lang yung tulog. Iiyak agad. Naiiyak na din tuloy ako pag hindi natigil 😭
Taranta Mode
First time mom. Ano po kaya ang reasons ng pag iyak ni baby? - napadede na ☑ - napalitan ng diaper ☑ - hinehele para makatulog ☑ Nag iiniyak pa din sya :(
My Baby's Story
Name: Divine Rothschild M. Longinos Delivered via CS. EDD: June 30,2020 (lmp) DOB: June 27,2020 Ang plan ko is to have a Normal Delivery since then. But the plan changed. June 26, nag post pa ko dito sa Asianparent na is nausea a sign of labor. Mga 2:30. Nahiga muna ko. Then feeling ko na poo poops ako na naiihi. At 3pm, biglang pmutok panubigan ko. I went to my midwife immediately. Then chineck CM ko, badly, it's 3cm pa lang. Dahil sa kagustuhan kong mag normal, I worked out for it (todo squat tinalo ko pa squatting ko nung nag ggym ako haha). Nag stay ako sa lying in. Masyadong mabagal ang progress ng CM ko. To cut the long story short, June 27 at 3am, 6CM pa lang ako. On labor na din ako. Sumasakit na sya ng bongga. But because my case was critical, dahil nga possible na mag dry labor daw ako, pina decide ako ng midwife ko na magpa CS na kasi delikado si baby. Ni refer na ko sa Ospital. Pero dahil public hospital, hindi ako ini emergency CS. Under observation pa daw. 8am declared na CS ako by Dr. Martin. 10am Operation. June 27,2020 11:13am baby out! Yay! Nag tagal din kme sa Ospital kasi na NICU si baby. Dahil open ang cervix ko for long time, then pmutok na yung panubigan ko, prone sya to have an infection kaya nag antibiotic sya for 6days. I thank the Lord kasi hindi Nya kami pinabayaan. Hanggang sa huli. And now we're home! Welcome home our baby VINE. 💕😘😍
Is Nausea A Sign Of Labor?
39w4d na po ako ngayon. Mucus plug out, brownish discharge. Then ngayon, nausea. Signs of labor na po ba ito? Please help me. Thank you.
Mababa Na Po ba?
Sana sana manganak na koooo. Mababa na po ba mga momshies?
Laging May Dugo
39w3d. Lumabas na din mucus plug ko. Pero hindi pa sumasakit tyan ko. Paunti unting paninigas pa lang. Stock ako sa 2cm. Kaya nag lakad lakad ako sa loob ng bahay plus squatting. Pag punta kong cr, may konting dugo nanaman ako. 😩 Normal po ba yan pag manganganak na?
Dugo Nanaman
Every IE po ba talagang nag dudugo? Kaninang morning pa po ako inaIE pero nag dugo po ngayong 12mn. Pero wala po masakit. Normal po ba yun? 39w3d na po ako. Mabagal ang progress sa pag open ng cervix. Tsaka pwede po ba ko mag lagay ng primrose kahit nag dugo po? Hays. 😪 Ang hirap. Di nasagot midwife ko baka tulog na din. Please pasagot po. Thank you so much