Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
Domestic diva of 3 naughty little sweet hearts
Ninong/Ninang
Pwede po bang parehas na kuning Ninong at Ninang ang mag-asawa?
Skin Complexion
Nagtataka lang ako bat kaya ako umiitim? Gumagamit naman ako ng mga whitening products pero parang walang improvement unlike before na saglit lang ako gumamit pumupusyaw na ulit kulay ng balat ko. Pero ngayon nagkojic na ako, scrub and all pero parang mas umitim ako. Pag pumapasok ako wala namang araw dahil panggabi ako at aircon din sa office. Siguro pag umuuwi lang galing sa work mejo nasisinagan ng araw pero very minimal. May kinalaman kaya to sa health ko? Salamat po sa mga makakasagot. :)
BONNAMIL OR NESTOGEN 2?
San po mas nahiyang si baby nyo? Based on your experience mga mommies sa mga naging user ng Bonnamil and Nestogen 2, san po naging mas maganda ang katawan ng baby nyo? At hindi matigas ang poops? Thanks po sa mga makakasagot! Patingin na rin po ng mga pics ng baby nyo na nahiyang sa Bonnamil or Nestogen 2! Thank you po!
A Little Worried
Hi mga mamsh, I just switched from Daphne pills to Lady pills last month (September), is it possible na ma-delay ang mens ko? May nangyayari bang ganun? Kasi 2 days delayed na ako. Yoko pang masundan baby ko, 6 mos. palang.. TIA po sa mga makakapansin at makakasagot! :)
Contraceptives
Hi po mga mamsh! Ask ko lang po, effective pa rin po ba ang Daphne Pills kahit di na nagpapabreastfeed? Nagswitch kasi ako sa Lady Pills kaso hindi ata ako hiyang kasi nasusuka ako everytime after ko sya inumin, if hindi nasusuka, nahihilo. Pero di naman ako natutuloy masuka. Yung feeling lang na umaangat ung gamot pabalik after ko inumin. Sa Daphne kasi wala akong ganung nararamdamang side effects. TIA po sa mga makakapansin at makakasagot! :)
Too Advanced?
Hi po. Question lang. 6 months palang po itong baby ko pero masyado akong naaagahan sa kanyang tumayo. Kaka-6months nya lang actually last Sept. 12. Ok lang po ba na maaga syang nag-aaral maggabay-gabay at tumayo-tayo? Worried lang ako baka kasi sobrang advanced magkaron ng problema sa bandang spinal nya kasi baka mapwersa dahil masyado pang maaga. Sa na-experience ko kasi sa mga nauna kong anak, at that age, nag-aaral palang gumapang. Etong bunso ko, aba eh naggagabay at tumatayo na sa crib. Kahit hindi sa crib, pag nilapag ko sya sa kama, lumalapit sya sa pader o kaya sa pinaka-frame ng kama para tumayo. Any opinion po mga mamsh? TIA sa mga makakapansin at makakasagot. :)
Lady Pills
Maganda po ba LADY PILLS? Daphne user ako but since di na ako nagpapabreastfeed, naisipan ko mag-switch sa LADY PILLS. Ngayon ko palang sya ita-try. Ok ba to? Ano po ang common side effects? Thanks in advance sa mga sasagot. :)
Pixie Cut
Hi mga mamshies, ask ko lang kasi nagpagupit ako ng pixie. Eh nag-wave ung hair ko.. Pwede ba kaya irebond yun? Sobrang iksi na rin kasi ng hair ko. Parang ganito kay Jessy Mendiola pero sakin nga wavy. Tsaka pwede na ba magparebond ang 4 months palang after manganak? TIA!
Step Dad
Hi mga sis. Hingi lang ako ng konteng advice. Meron akong LIP ngayon. We've been together since kalagitnaan ng 2017 up until now. May on going 4 months na kaming baby boy. Pero meron na rin akong 2 anak sa pagkadalaga. Boy and girl. Panganay ko, lalaki 11 y/o na and then yung sumunod babae, 10 y/o. Mejo nahihirapan lang ako sa sitwasyon kasi mejo mahigpit si LIP. Pero mga anak ko kasi nasanay sa petiks na buhay kasi lumaki sila na kasama namin mga magulang ko. Talagang inalagaan sila at binbigay ang gusto. Mejo hindi marunong pa sa mga gawaing bahay. Eh nagrent kami ni LIP ng apartment na malapit sa magulang ko so ung mga bata patawid tawid lang dito. Kinakagalitan nya mga bata pag masyadong mahaharot, pag di marunong magligpit, pag pasaway masyado. One time, ung babae kong anak gusto matulog dito sa bahay pero ayaw nya matulog sa kabilang kwarto. Gusto nya sa kwarto namin, eh masikip kasi sa higaan kaya sabi ko sa kabila nalang. Pero ayaw nya talaga, may ugali kasi anak kong babae na pag gusto nya, gusto nya talaga. So pinagbigyan pero sa baba sya ng kama natulog. Yung LIP ko hinarot ako, nakisali sya. Di naman nya siguro sadya, nasampal nya si LIP dahil sa harot. Mejo nainis si LIP pero di nalang pinansin at natulog. Pinagsabihan ko anak ko. Kinabukasan naghaharot nanaman kay LIP. Andun kami nun sa bahay ng mama ko. Si LIP di na sya pinapansin kasi nga baka masobrahan nanaman sa harot. Tapos pinagsabihan ko. Nagtampo naman ang anak kong babae at mejo nagpapapansin. Kumakain kami pumunta sya sa ilalim ng lamesa tapos habang naguusap kaming tatlo ni LIP at mama ko, kinakatok katok nya ung ilalim ng lamesa. Nainis nanaman si LIP kasi parang nababastusan sya pag ganun. Pinagalitan ko ulit anak ko. Tapos nung pauwi na kami iyak sya ng iyak. Yung LIP ko sabi "pabayaan mo yan, wag mo pansinin. Dito lang sya wag mo na isama sa bahay yan kakaladkarin ko yan palabas." Ako naman, parang nabigla naman ako sa salita nya. Naaawa din ako sa anak ko dahil matagal tagal ding nawala ako sa tabi nya. Puro ako trabaho, minsan nalang ako umuwi noon dahil malayo ang trabaho ko. Feeling ko naghahanap ng atensyon sakin ung anak kong babae lalo na pagbalik ko may bago na akong inaalagaang baby. Parang uhaw sa atensyon at kalinga. Naistress ako kasi di ko alam pano ko ba ipapaintindi sa LIP ko na sana pagpasensyahan nalang ung anak ko. Minsan nasasaktan ako pag sinasabi nya na ung baby lang naman namin ngayon ung anak nya. Naiinggit ako sa ibang lalaki na may karelasyon na may anak sa pagkadalaga na minamahal nila na parang sa kanila, na parang kadugo nila. Hindi ko kasi nakikita sa LIP ko yung ganun. Mabilis syang mainis sa mga anak ko..
Is It Normal?
Normal po ba na nagngingipin na yung LO ko kasi magfo-4 months palang sya this coming July 12.