Step Dad
Hi mga sis. Hingi lang ako ng konteng advice. Meron akong LIP ngayon. We've been together since kalagitnaan ng 2017 up until now. May on going 4 months na kaming baby boy. Pero meron na rin akong 2 anak sa pagkadalaga. Boy and girl. Panganay ko, lalaki 11 y/o na and then yung sumunod babae, 10 y/o. Mejo nahihirapan lang ako sa sitwasyon kasi mejo mahigpit si LIP. Pero mga anak ko kasi nasanay sa petiks na buhay kasi lumaki sila na kasama namin mga magulang ko. Talagang inalagaan sila at binbigay ang gusto. Mejo hindi marunong pa sa mga gawaing bahay. Eh nagrent kami ni LIP ng apartment na malapit sa magulang ko so ung mga bata patawid tawid lang dito. Kinakagalitan nya mga bata pag masyadong mahaharot, pag di marunong magligpit, pag pasaway masyado. One time, ung babae kong anak gusto matulog dito sa bahay pero ayaw nya matulog sa kabilang kwarto. Gusto nya sa kwarto namin, eh masikip kasi sa higaan kaya sabi ko sa kabila nalang. Pero ayaw nya talaga, may ugali kasi anak kong babae na pag gusto nya, gusto nya talaga. So pinagbigyan pero sa baba sya ng kama natulog. Yung LIP ko hinarot ako, nakisali sya. Di naman nya siguro sadya, nasampal nya si LIP dahil sa harot. Mejo nainis si LIP pero di nalang pinansin at natulog. Pinagsabihan ko anak ko. Kinabukasan naghaharot nanaman kay LIP. Andun kami nun sa bahay ng mama ko. Si LIP di na sya pinapansin kasi nga baka masobrahan nanaman sa harot. Tapos pinagsabihan ko. Nagtampo naman ang anak kong babae at mejo nagpapapansin. Kumakain kami pumunta sya sa ilalim ng lamesa tapos habang naguusap kaming tatlo ni LIP at mama ko, kinakatok katok nya ung ilalim ng lamesa. Nainis nanaman si LIP kasi parang nababastusan sya pag ganun. Pinagalitan ko ulit anak ko. Tapos nung pauwi na kami iyak sya ng iyak. Yung LIP ko sabi "pabayaan mo yan, wag mo pansinin. Dito lang sya wag mo na isama sa bahay yan kakaladkarin ko yan palabas." Ako naman, parang nabigla naman ako sa salita nya. Naaawa din ako sa anak ko dahil matagal tagal ding nawala ako sa tabi nya. Puro ako trabaho, minsan nalang ako umuwi noon dahil malayo ang trabaho ko. Feeling ko naghahanap ng atensyon sakin ung anak kong babae lalo na pagbalik ko may bago na akong inaalagaang baby. Parang uhaw sa atensyon at kalinga. Naistress ako kasi di ko alam pano ko ba ipapaintindi sa LIP ko na sana pagpasensyahan nalang ung anak ko. Minsan nasasaktan ako pag sinasabi nya na ung baby lang naman namin ngayon ung anak nya. Naiinggit ako sa ibang lalaki na may karelasyon na may anak sa pagkadalaga na minamahal nila na parang sa kanila, na parang kadugo nila. Hindi ko kasi nakikita sa LIP ko yung ganun. Mabilis syang mainis sa mga anak ko..