Step Dad

Hi mga sis. Hingi lang ako ng konteng advice. Meron akong LIP ngayon. We've been together since kalagitnaan ng 2017 up until now. May on going 4 months na kaming baby boy. Pero meron na rin akong 2 anak sa pagkadalaga. Boy and girl. Panganay ko, lalaki 11 y/o na and then yung sumunod babae, 10 y/o. Mejo nahihirapan lang ako sa sitwasyon kasi mejo mahigpit si LIP. Pero mga anak ko kasi nasanay sa petiks na buhay kasi lumaki sila na kasama namin mga magulang ko. Talagang inalagaan sila at binbigay ang gusto. Mejo hindi marunong pa sa mga gawaing bahay. Eh nagrent kami ni LIP ng apartment na malapit sa magulang ko so ung mga bata patawid tawid lang dito. Kinakagalitan nya mga bata pag masyadong mahaharot, pag di marunong magligpit, pag pasaway masyado. One time, ung babae kong anak gusto matulog dito sa bahay pero ayaw nya matulog sa kabilang kwarto. Gusto nya sa kwarto namin, eh masikip kasi sa higaan kaya sabi ko sa kabila nalang. Pero ayaw nya talaga, may ugali kasi anak kong babae na pag gusto nya, gusto nya talaga. So pinagbigyan pero sa baba sya ng kama natulog. Yung LIP ko hinarot ako, nakisali sya. Di naman nya siguro sadya, nasampal nya si LIP dahil sa harot. Mejo nainis si LIP pero di nalang pinansin at natulog. Pinagsabihan ko anak ko. Kinabukasan naghaharot nanaman kay LIP. Andun kami nun sa bahay ng mama ko. Si LIP di na sya pinapansin kasi nga baka masobrahan nanaman sa harot. Tapos pinagsabihan ko. Nagtampo naman ang anak kong babae at mejo nagpapapansin. Kumakain kami pumunta sya sa ilalim ng lamesa tapos habang naguusap kaming tatlo ni LIP at mama ko, kinakatok katok nya ung ilalim ng lamesa. Nainis nanaman si LIP kasi parang nababastusan sya pag ganun. Pinagalitan ko ulit anak ko. Tapos nung pauwi na kami iyak sya ng iyak. Yung LIP ko sabi "pabayaan mo yan, wag mo pansinin. Dito lang sya wag mo na isama sa bahay yan kakaladkarin ko yan palabas." Ako naman, parang nabigla naman ako sa salita nya. Naaawa din ako sa anak ko dahil matagal tagal ding nawala ako sa tabi nya. Puro ako trabaho, minsan nalang ako umuwi noon dahil malayo ang trabaho ko. Feeling ko naghahanap ng atensyon sakin ung anak kong babae lalo na pagbalik ko may bago na akong inaalagaang baby. Parang uhaw sa atensyon at kalinga. Naistress ako kasi di ko alam pano ko ba ipapaintindi sa LIP ko na sana pagpasensyahan nalang ung anak ko. Minsan nasasaktan ako pag sinasabi nya na ung baby lang naman namin ngayon ung anak nya. Naiinggit ako sa ibang lalaki na may karelasyon na may anak sa pagkadalaga na minamahal nila na parang sa kanila, na parang kadugo nila. Hindi ko kasi nakikita sa LIP ko yung ganun. Mabilis syang mainis sa mga anak ko..

15 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Hi sis. Based sa kwento mo, lahat kayo may pagkukulang pero magagawan naman yan ng paraan basta mapag-uusapan. Una sa lahat, anak mo. Di tama inaasal nya na maharot at nagawa pang sampalin LIP mo. Kahit naman siguro ikaw masampal diba ng anak halimbawa ni LIP (if baliktarin ang sitwasyon), maiirita ka rin diba? Normal lang reaksyon ng LIP mo. Kahit sino maiinis sa ugali ng anak ko pag ganyan kaya niya siguro nasabi na yung baby nyo lang kumbaga ang ituturing niyang anak. Maigi kausapin mo anak mo. Habang bata pa pangaralan mo na about boundaries and limitations, ikaw din mahihirapan if kakalakihan nya yung ugali na ganyan pati yung gusto nya, lagi nya makukuha. That's not how the world works and you know that. Ngayon sis, sabi mo rin babad ka sa work. Pero di excuse yun para makalimutan mo responsibilities mo sa mga anak mo. Para kasing ganun yung ganap eh kasi uhaw sila masyado sa atensyon mo. Maybe it's best na maglaan ka ng time para sa kanila? Kausapin mo rin. Magbond kayo. Pati si LIP, kausapin mo rin. Pwede mo sabihin mo nafefeel mo, and pwede ka rin humingi ng pasensya sa asal ng anak mo, and assure him na gagawin mo best mo para kahit paano maayos ugali nung anak mo. Give him time rin. Malay mo pag okay naman na ugali ng anak mo, maging okay din pakikitungo ni LIP sa kanila. Di naman kasi minamadali yun :)

Đọc thêm
Thành viên VIP

Sa panahon ngyon makakahnap ka nga ng lalaki magmamahal sau pero ndi sa mga nauna mong mga anak realidad na po yan..kaya nga aq sa loob ng 18 yrs nahirapan aq na mkpag asawa pa ulit dhil 2 din anak q sa pag kadalaga at ang hirap nung ikaw lng tanggap ng bf mo at ung mga anak mo mababalewala buti nlng dlaga at binata na anak q may isip na cla at nkakaintindi kc buntis aq ngyon sa bf q..at mabait nmn bf q kc tanggap mga anak q ndi rin kami mgkakasama sa isang bahay kc ngaabroad kami parehas kaya mama q lng nkakasama nila..mahirap ung klagayan mo lalo na bata pa mga anak mo sa una nghahanap pa tlga ng kalinga at ung knakasama mo ngyon eh walang hilig sa bata kaya ganyan sya..bata parin yun dapat naiintindhan nya..d tlga kau magkakasundo nya pero kausapin mo asawa mo ngyon ndi dapat ganun kc pag ngdlaga n yan mga anak mo yan din mgaalaga sa baby nyo un ipaintindi mo sa knya👍🏻😊

Đọc thêm

Wag ka magagalit sis ah,Alam mo dapat hindi ka nagpa buntis sa LIP mo if hnd nya tanggap ang anak mo. Alam mo naman pala na kulang sa pagmamahal at atensyon ang mga anak mo dhil sa pagwowork mo pero nakipag relasyon ka pa? Or let say na nagkulang ka sa time management. Saka sis wag mo hayaan na makipag harutan ang anak mong babae sa kahit na kaninong lalaki kasi hnd mo alam ang isip ng lalaki kasi karamihan dyan demonyo! Hnd mo ba nakikita mga balita ultimo tatay nirarape ang anak step dad pa? Dapat advance na tayo mag-isip. Hnd na pwd ngayon ung "Hindi nya un magagawa" believe me kapag ang demonyo bumulong sa tao kahit kasing bait pa yan ng anghel makakagawa ng hnd maganda.Kaya now palang disiplinahin mo mga anak mo. Prevention is better than cure. No matter what happened ANAK muna bago LALAKI.

Đọc thêm

Sa ikinikilos ng anak mo momsh, parang kulang nga sa pansin. Lalake ang partner mo..at natural na miinis un.. Cguro kung bbaligtarin ang sitwasyon, na sia ang my anak at gnun gngwa ng anak nia n ppunta sa ilalim ng mesa maiirita ka dn. Saka momsh, 10y.o n anak mo.. Hndi n xia batang maituturing na parang toddler kung umarte. Turuan mo dn ang anak mo kung ayaw mong kaiinisan ng partner mo.. 10y.o n pero nghharot pa at kamo hndi nssadya n masampal partner mo..at ppunta pa sa ilalim ng mesa at kkatuk katukin ang ilalim ng mesa. Sa nkkita ko, hndi akma da edad nia ang knikilos nia. Hindi rin mgnda tingnan yung nkkiharot xia sa partner mo lalo na at babae xia. Medyo iiwas mo din. Pa dalagita n kxe yan.. Turuan mo ng Tamang behavior at distansya momsh.

Đọc thêm
5y trước

Kaya nga sis di na bata, pamangkin ko nga 10yrs old nireregla na

Decipline ur kids sa edad ng anak mong babae hinde tama na ganun ang gagawin niya papunta na siya sa Dalagita. Normal lang ung maramdaman ng asawa mo sa mga anak mo kailangan talaga Deciplinahin saka hinde dapat na nakikiharot ang anak mong babae sa Step Dad niya..kaya ngayon palang turuan niyo dahil ikaw lang din ang mahihirapan niyang pag hahayaan mo silang ganyan.. Kausapin u sila at ipaunawa may isip na ang mga yan..at tama ka na naghahanap ng pagmamahal /attention ung anak mo at un dapat ang ibigay mo.. Kausapin mo din LIP mo sa situation niyo magina at kung ano ung Problema para aware din siya at matulungan ka niya.

Đọc thêm

Pinagbabawalan ka ba nya na makibonding sa anak mo o ang problema nya lang e pasaway ang anak mo. Magkaiba kase yun. Pagkakaintindi ko sa kwento mo mukang spoiled mga anak mo sa una. Kulang sa disiplina. Kaya siguro naiinis sya. Kung saken kase hindi pwede saken na ganan ang bata kase wala naman sa edad yung pagiging marespeto at responsable sa bahay . Nasa pagpapalaki yun at disiplina. Baka yang ganan na ugali nan mga bata dahilan para d kayo magkasundo. Kaso ikaw maiipit sa gitna. Mahihirapan ka na den pangaralan anak mo lalo at di sayo lumaki. Pero pagsabihan mo pa den, maging open ka nalang din sa hubby mo tungkol jan.

Đọc thêm

Bakit nyo po hinahayaan makipag harutan at manampal ang bata sa step dad nya kahit laro2 lang dapat me disiplina ang bata, alam dapat na hindi tama ang ginagawa, babae pa namn po yung anak nyo, kausapin nyo at disiplinahin, kasi sa panahon ngayon mahirap na babae pa namn anak nyo. Wag nyo po iispoiled dahil lang me pagkukulang kayo sa bata. Ipaintindi nyo po ang tama at mali sa bata. Kayo din mahihirapan pag lumaki yan ng ganyan.

Đọc thêm
Thành viên VIP

Mami, nakikitaan ko lang po na medyo may pagkapasaway yung anak mo pero madadaan naman yun kapag kakausapin mo yung anak mo about sa tama at mali at pagiging marespeto since nasa 10 years old na sya, mabilis na yan makakaintindi. Kasi kung bago bago pa lang din kayo ng mister mo ngayon na nakakasama sila, baka nag-aadjust pa lang din mister mo sa kanila.

Đọc thêm

May friend ako na nagsabi sakin, mahalin mo lang ang isang lalaki once na natanggap at minahal niya din ang mga anak mo sa una mong nakarelasyon. Ituring din bang anak kumabaga. Parang ayaw kasi ni LIP sa mga anak mo sis. Dapat hinayaan mo munang mahulog loob niya sa mga anak mo bago ka nagpabuntis. Opinion ko lang naman 🙂

Đọc thêm

dahil quarantine naman , baka makapag bigay ka ng oras sa mga anak mo lalo sa babae ng oras . heart to heart talk lng at bonding . baka kulang lang sa pakiusap.. nung una palang ba kayo naging mag bf ng H mo di mo ba naramdaman na di nya gusto mga anak mo? or sa behaviour lng ngayon ng anak mo?