Hello po..kamusta na po kato dito? Heto na po ang mga baby ko sa mga nag ask po sakin kamusta na po sila.1st baby ko po ecs kasi po tumaas po ang bp ko.after 5months po nalaman ko na pregnant po uli ako sa bunso ko.nag worry po ako nun kasi marami nga po akong nababasa na mga post dto at comment na dapat 2 and half year pa bago dapat masundan ang cs.kaya ang balak po talaga namin after 5months sabi nang ob ko mag pills na ako.kaso bago pa ako makapag start nang pills ayan na si baby #2 🤣.. so ayun nanga po nalaman ko na preggy na ko uli.umiyak ako nun sobra pero hindi dahil sa takot ako ma cs uli o takot ako mgbukas ang tahi ko.kundi takot ako na hindi ko kayanin hatiin ang attention ko sa dalawang baby na pareho kong ibbreastfeed 🤣🤣.sabi ko sa hubby ko kawawa naman si baby #1 kasi palaging magiging 1st nun ang baby #2 kasi nga newborn 🤣🤣.nung nalaman ko na preggy ako sabi naman ng ob ko ok lang kaya hindi ako nag worry ☺️☺️..habang pinagbubuntis ko si baby #2 5months na siya dun na ng start na madalas ako duguin at naoospital.nung mag 6 months ng start mag open yung cs ko sa 1st baby ko nag take ako ng mga med para mg sara uli.nagsasara naman kaso habang papalapit nang papalapit ang kabuwanan ko lumalaki naman butas at nung 8 months na siya sa tummy ko gabi nun dinugo na ko nang malakas.yung akala ko nakaihi lang ako 🤣 kasi sobra lakas ng labas.pagbukas ko ng ilaw ayun dugo pala.tinakbo nanaman ako sa hospital.inantay pa namin na ma stop muna bleeding ko inabot kinaumagahan tumigil naman kaso @12 pm ng start nanaman bleeding kaya sabi ng ob ko ecs na daw ako ng 6pm.at lumabas nanga si baby #2.yung iniyakan ko nun na baka mas matuon attention ko sa baby #2 hindi naman nangyari dahil nakaya ko naman sila pagsabayin alagaan.nagpapasalamat ako sa ob ko dahil inalagaan talaga niya ako at palagi nya sinasabi na kaya ko raw kasi malakas loob ko at katawan ko dahil actually diabetic po ako pero 1week lang nagsarado na yung cs ko sa labas.after 12hours nakakaupo at nakakatayo narin ako.kaya sa mga mommy diyan na maccs kaya nyo po yan.at ang pinakaimpostante magtiwala po kayo sa OB nyo.hindi nila kayo pababayaan 🥰🥰🥰
Đọc thêm