Ar Cab profile icon
Kim cươngKim cương

Ar Cab, Philippines

Contributor

Giới thiệu Ar Cab

God-fearing, and loving,IT

Bài đăng(13)
Trả lời(55)
Bài viết(0)

Ang Tahanan ni Aling Meding

This story happened in late 2018. My boyfriend and I decided to celebrate our 2nd anniversary in Laguna. We chose Laguna since it is near the city , and it’s the ideal location for nature lover like me. We were so prepared for that vacay. We already booked our room online. Searched more about the place’s tourist spots and what not. However, we were dismayed to find out that the room we booked is not what we were expecting to have. Ang layo ng ichura sa picture. Kaya we naghanap hanap kami on the spot ng hotel na lilipatan. And we were lucky we found “Tahanan ni Aling Meding”. Lumang bahay na malaki, bahay ng mayamang pamilya na ginawang hotel. Sa harap nito ay ang magandang lake. May mga halaman sa paligid, swimming pool, matatanaw mo ang bundok mula sa terrace, madaming taong namamasyal sa labas, at katabi nito ay maraming kainan. Sa loob ng hotel ay malalaman mo na lumang bahay nga siya na maganda. Pati mga furnitures ay old style pero maayos naman. Wala akong naramdaman na kahit anong takot kahit may mga malalaking larawan ng mga dating pamilyang nakatira doon at nag mamayari ng bahay. Malaking kwarto ang binigay saamin. Masaya ako kasi parang YOUR HOME AWAY FROM HOME siya. Mag gagabi na noong nagkaroon kami ng kaunting diskusiyon ng BF ko at ako naman na mataas ang pride umalis ako sa kwarto. Naisip ko na mag libot sa hotel at mag hanap ng saksakan sa hallway kung meron. Tahimik , malinis, at wala akong nakikitang ibang naka check in that time. Sa isip ko baka lumabas sila o kaya naman nasa loob ng kanilang mga kwarto. Mula 2nd floor umakyat ako upang diskubre ang iba pang palapag. Noong nasa 3rd floor ako nakakita ako ng saksakan. Walang tao at tahimik ang hallway. Dahil sa inis ko hindi ako nakaramdam ng takot. Dali dali akong umupo at sinaksak ang phone para doon sana tumambay. Wala pang isang minuto at bigla na lamang nag patay sindi ang ilaw sa tapat ko mismo. Na para bang hindi ako welcome. Sa lahat ng ilaw sa hallway, ang ilaw na naka tapat saakin ang nag patay sindi. Doon ako nakaramdam ng kakaibang pakiramdam. Umalis ako agad at bumaba na. Bumalik ako sa kwarto. Lumipas ang oras na may tampuhan. Ang naaalala ko nalang ay 11PM na noong naligo ako at matutulog na. Sinara kona lahat ng pintuaan. Ang kwarto pala namin ay may pintuaan na naka connect sa isang CR. Natapos na ang shower time ko at humiga na ako. Ilang minuto palang ang lumipas ng biglang bumukas ang pinto na papunta sa CR. Nagulat ako kasi wala namang hangin na malakas at ang pintuan ay gawa sa kahoy, malapad ito at mabigat hindi basta basta mag oopen. Nagdasal kami at hawak hawak ko ang rosaryp ko. Pagkatapos ay Bumba kami ng bf ko para ipaalam ang nangyari. Ang staff na nakausap namin ay nag bigay lang ng upuan pang harang sa pintuan para di mag sara. Nag usap kami ng bf ko at doon konalaman na noong mga oras na lumabas ako ay nakaranas din siya ng pintiuan na kusang bumubukas. Akala niya. Daw ay ako ang pumasok pero walang tao. Hindi niya nalang pinansin dahil masama ang pakiramdam niya. Inantay namin ang umaga bago kami ulit bumaba. One night lang kami doon. Napag alamab namin mula sa care taker nilang matanda ay ang bangkay ni aling meding ay nilibing mismo sa kung saan nakatirik ang bahay. Care taker daw siya doon at matagal na. Dahil nasa ibang bansa na lahat ng mga anak niya ay naisip nilang gawing hotel nalang ito. Hindi namin alam kung ano yung nangyari pero nag dasal nalang kami. At inenjoy ang natitira pang araw sa Laguna. #MagandangGabi

Đọc thêm
Ang Tahanan ni Aling Meding
 profile icon
Viết phản hồi