Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
31532 Người theo dõi
Philhealth
May itatanong lang po sana Ako magagamit ko po ba Yung philhealth ko na indigency kahit saang Lugar umuwe po kasi kami dto sa province Ng Asawa ko dto sa Quezon province eh sa occidental ko pa po kinuha Yung indigency philhealth ko manganganak na po kasi Ako sa September at first time mom po Ako
Hiccups 26 weeks and 4 days
Normal lang po ba na madalas mag hiccups si baby sa loob ng tummy? Worried lang Ako first time mom po currently 26 weeks po
Pangangalay at pamamanhid natural lang po ba minsan kasi ung right leg ko paran
Pangangalay at pamamanhid ng right leg natural lang po ba ito?minsan nararanadan ko to na nagsasanhi na di ako makatulog ,makatulog man ako matagal minsan 1am na or minsan pa nga 2am na lahat na ng posisyon sa pagtulog ginawa ko na.buti na lang di kami magkatabi ng hubby ko sa bed kung hindi di rin sya makakatulog sa likot ko,paikot ikot ako sa higaan ung 3yrs old na anak ko pinapatabi ko na lang sa hubby ko kasi siguradong di rin sya makakatulog pag ako ang katabi.
New born essentials
Hi, currently 27w1d pregnant May nagstart na po ba sainyo mamili ng gamit ni baby? May list po ba kayo? Ftm here! Thanks!
Second Pregnancy 😇
Hello! po ask lang po sa second time mom dyan totoo po ba na mas mabilis nalang po ba manganak or lumabas si baby kapag second baby na Ang lalabas satin? Ang tinagal po bago ako mag buntis ay mag 4 years din Ang gap. Ang Panganay ko po is mag turning 4 Years old this November. Salamat po sa makakasagot sensya na medjo nag overthink lang po ako. Kinakabahan lang ulit manganak.
27 weeks....
mga momshie ask ko lang kung naka gawa naba kayo ng Disbursement Account Enrollment Module ? sakin lang ba yung nakalagay "This Service is Temporarily Unavailable"
Bakit Di ako mabuntis?
Naraspa ako April 6 2033. Dinatnan ako may 10 ilang ulit na kmi nag do Ng partner ko bakit Di ako mabuntis niregla po ako ulit ngayon July 23 akala ko mabubuntis na ako.. bat po Kaya Di ako mabuntis?
1week to 3rd trimester
mga mommies ganto po ba talaga pag papasok kana sa 3rd trimester parang bumabalik ka nung 1st? Tinatamad ,sumasakit ulo, nag susuka , walang gana kumain #1sttimemom
Pag upo ng nakataas ang isang paa
Mga momshie ok lng po ba nakaupo habang nakataas ang isang paa ng buntis ? 25weeks 3dAy
Change Marital Status/Last Name
Hi mommies, Ask ko lang ilang months after the wedding or after nyo po makuha ang marriage cert nyo po kayo nagpa-change status and change last name? (sa mga nagpachange last name po) Sa Philhealth at PAGIBIG pwede na po ba? and pwede po ba ako maging dependent ng asawa ko agad agad? sya kasi updated ksi ang hulog nila sa work kami hindi. Sa SSS po kasi di ko pa mabago kasi Ms pa ako nung nag apply ako MAT1 and Disbursement Account. Sayang din kasi para di na ako magre-apply ulit. (and for the information of everyone na din po need po kasi na same name sa SSS, disbursement account and sa ID para smooth po ang matben) E si Mister po pwede na din ba sya magchange status sa SSS while ako Miss pa din sa SSS ko? Di po ba makakaapekto yun? Thank you! Sana may nakapansin. (nagpost na din po ako dito baka sakaling may alam, nagpost din po ako sa isang fb group baka may nakabasa na din wala po kasi nagresponse dun)