Birthclub: Hulyo 2023 icon

Birthclub: Hulyo 2023

37846 Người theo dõi

Hỏi & Đáp

Bigla ako nastressed sa nanay ko.

Nagcall kasi sya sakin kasi about sa financial na binabayaran nya pa dito. Bukod pa kasi doon may sinusuportahan pa syang matanda which is nanay niya or lola ko. Medyo kalakihan pa ang binabayaran nya dito at hindi pa sapat ang padala nya kahit nas abroad sya. Humingi ako ng help lang sana kahit mahelp nya muna ako sa ultrasound kasi baka mag pa CAS na ako. And usually binabalik ko naman kasi asawa ko nairereimburse nya and kung kukuha or rereaquest pa sya ng pera para sa work nya 2weeks pa nya bago makuha. Next week na ksi ako papaultz sana. Ayon tinaasan nya ako ng boses ng nanay ko. Which is very odd. Hindi naman kasi sya ganon tska sobrang excited nya sa apo nya dahil first apo at matagal na niya kasi hinihingi samin mag asawa. Kaso naging emotional ako lalo na kung magbibigay naman sya, wala na sana sya sasabihin o kung ano pa sasabihin kasi sabi naman nya nung una willing naman sya maghelp ksi ngangustong gusto na nya ng apo. Kaso ayaw ko naman samantalahin na humingi sakanya kaya madalang lang naman ako magsabi. Ehh.. etong pagkakataon na to. Medyo gipit sa budget kasi sobrang laki ng bill namen sa Kuryente at tubig.. 6k ang kuryente at 2k sa tubig dahil nung mga nakaraan may nag awa sa bahay dito at panay gamit sa tubig.. Hay nastressed ako, sumakit puson koo. Kahit na pilit ko iniiba iniisip ko okaya nanonood ako nakakatawa. Bigla pumapasok sa isip ko tapos iiyak nalang ako. Kahit cinocomfort naman na ako ng asawa ko na gawan nya paraan pampacheck up namin next week. 😕 #emotionalangbuntis

Đọc thêm
 profile icon
Viết phản hồi
Xem thêm bài viết