Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
37846 Người theo dõi
Paninigas ng tiyan
Hi mga Mommies! Kabuwanan ko na at pansin ko ngayong araw na panay tigas ng tyan ko. Every hour na sya at matagal bago mawala. May nararamdaman pa nmn akong galaw ni baby. Pero kahapon nagpacheck ako, close cervix pa nmn daw. Normal lang po ba to or sign of labor na?? Hingi narin ako tips para mag open na cervix ko. Hirap na kasi ako gumalaw pati pagtulog kaya gusto ko na manganak. Goodluck sa mga Team July
38 weeks and 6 days nako! july 14 edd
any tips po para makaraos na huhu araw araw na po ako naglalakad then squat, tapos pineapple juice din.
Ligo sa hapon
39 weeks na ako atm. Ako lang ba ang palaging sinasabihan na wag maligo sa hapon? Di ko talaga maiwasan nasanay ako na hapon na naliligo pero I make sure naman na hindi mainit yung katawan ko before sumalang sa malamig na tubig. Naiinis na ako minsan sa mga nagsasabi pero sabi ng OB ok labg naman 😞
1 cm mataas parin. Si baby
Pingi nman tips sa mommy jan. 39 weeks pero mataas parin si baby .. D parin bumababa. Yung ulo niya.. Kailangn ko na talaga labor . advice doc if 4o weeks na bala maka poops si baby .. First baby po mga me
Yellow discharge pero wlang amoy.
Hi mamsh 38weeks kona today khapon naka ilang poops din ako tas panay tigas ng tiyan ko, tas ngayon nman my lumalabas sakin na yellow discharge pero wla namang amoy. Sign nabato na malapit nakong manganak 🙏
Normal lang Po ba mag poops araw araw
Hi mga mommy ok lang Po ba mag poops Ako araw araw. Sa isang araw nakakatatlo or dalawa Po Ako. Mga 1week na Po na ganito nangyayare po. Mag 38weeks na Po Ako bukas. Sana makaraos na Ako July 19 due date ko pero no sign pa Po Ng labor 2nd baby Kona Po ito. Thanks po.
38 weeks sign of labor?
Hello sobrang sakit ng balakang ko nag insert ako evening primoil kagabi tas pag gising ko may discharge po na ganyan okay lang pu ba si baby niyan?
Mga mii ano po kaya ito?
Sign na po ba ito ng labor?
IPAMIGAY ANG MGA ASO😭
Sino dito mga tinuturing ng pamilya ang alagang aso? Kapapanganak ko lang mga mommies, ngayon lilipat na kami ng inuupahan na bahay at sa lilipatan namin na bahay, ipinagbawal n ni hubby na dalhin ko ung mga aso dahil nga kay baby, baka mapano pa daw si baby pag may aso sa loob ng bahay. 3 chihuahuas po ang alaga ko pero ung isa pilitin ko nalang sa kapatid ko na kunin na para kahit 2 nalang alagaan ko, at di nrin maharap sa bahay mag alaga ng aso at wala rin nmn silang kahilig hilig. Bale ung tinitirhan po namin maliit lang at para mkaiwas sa aso ung baby namin, inupahan muna ni hubby ung katabing room para dun nalang kami matutulog ksama si baby para nakahiwalay sa aso., pang kwarto lang tlg ung room. Kawala lang kasi mga aso nmin sa bahay pero di nman sila nagkakalat ng tae o umiihi sa loob. Pag sumisilip sila dto sa pinto ng room namin, binubugaw ni hubby. Sinisilip lang nmn nila ako kasi tagal nila akong di nkita at madalang nalang nila akong makita sa isang araw ksi nkrest pa ako. Para ba silang mga ligaw na aso na nakatanaw sa pinto ng room namin. Sobra sobra akong nasasaktan at naaawa sa kanila. Sabik lang nman sila. 1buwan lang binigay sa akin ni hubby para maipaalaga sila sa iba bago kami makalipat. Di ko alam gagawin ko kasi nung wala pa si hubby sa buhay ko, (independent kasi ako malayo sa pamilya at wala talaga akong kasama na pamilya sa lugar na pinag tatrabahuan ko) - - ung mga doggies ko na ung naging pamilya ko at ksama ko sa araw araw, Kalahati n sila ng buhay ko ai. Kaya talagang sobrang sakit sa kin, di ko alam gagawin ko. Wala na akong ibang maisip na pagbibigyan sa knila kasi iniicp ko palang n mabalewala sila, sobrang sakit na sa akin. Wala narin naman kaming makitang mas malaking bahay na malapit sa work ni hubby. Paadvise naman po mga mommies kung ano ba dapat kong gawin? (habang tinatype ko to, di ko po mapigilang umiyak. 😭😭 Nasasaktan tlg ako 💔😥)
Cervix hardly ever opens
3rd pregnancy ko na. Sabi ni OB, matigas parin cervix ko now at 38 weeks. 1st pregnancy ko, 2016. 2 cm lang at 41 weeks. Hindi nag induce ng labor due to fetal distress (cord coil) 2nd pregnancy ko, matigas na matigas parin ang cervix ko at 40 weeks. Kaya failed VBAC ako due to oligohydramnios, wala parin sign ng labor. Nag primrose nako at 37 weeks nun! Abot pa sex namin ni mister kasi yung sabi ni OB. Pero closed na closed si cervix. Ngayon, 37 weeks palang feel na feel ko contractions. Sakit ng balakang at pusod, pati pwetan. Pero pag IE sakin, matigas pa raw. VBA2C candidate ako ulit kasi super ideal ng aking mga result. Pero nakaka worry kasi yung cervix ko ayaw makisama. :( I feel sad. Nag primrose nako at 37 weeks, orally. May same situation ba ako dito? May ganun bang disorder? Puro nalang braxton hicks. :(